#BiyaheGoals: Safety tips sa mga motoristang balak mag-long drive

HANDA na ba ang lahat sa long drive o road trip ngayong Holy Week at tag-init?
Para sa marami, ito ang perfect time para makauwi sa probinsya, mag‑beach trip, o mag‑mountain getaway kasama ang pamilya at kaibigan.
Ngunit bago mag‑lakwatsa, mahalagang tiyakin na ligtas at nasa kondisyon ang inyong sasakyan, mapa-kotse man 'yan o motor.
Narito ang ilang safety tips para sa mga nagbabalak bumiyahe:
I-check ang sasakyan o motor bago bumiyahe
Isa sa pinakaunang dapat gawin bago bumiyahe ay siguraduhing "roadworthy" ang sasakyan o motor.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO) Holy Week advisories, pwedeng maiwasan ang mga aksidente kung regular na chine-check ang makina, gulong, ilaw, at preno.
Baka Bet Mo: LTO sinuspinde ang lisensya ng driver na pinagmaneho ang batang anak
Mga dapat siguraduhin bago umalis:
- Brake, ilaw, gulong, baterya at iba pang importanteng bahagi ng sasakyan
- Valid driver's license at registration
- Emergency kit tulad ng flashlight, first aid kit, tubig, at basic tools
Ang simpleng inspection na ito ay makakatulong upang maiwasan ang mechanical breakdown sa gitna ng biyahe, na kadalasang nagdudulot ng pagka-delay o aksidente.
Sumunod sa traffic rules
Ang traffic laws ay hindi lamang para sa batas, kundi para sa kaligtasan ng lahat.
Ayon sa LTO at Department of Transportation (DOTr):
- Laging gumamit ng seatbelt sa kotse at helmet sa motorsiklo
- I-obey ang speed limits at iwasan ang distracted driving
- Huwag magmaneho kung lasing o pagod, upang hindi bumaba ang alertness sa daan
Pinapalakas ng LTO at Philippine National Police (PNP) ang monitoring ng reckless driving, overspeeding, at iba pang traffic violations tuwing Holy Week at peak travel seasons.
Ang pagsunod sa batas-trapiko ay hindi lamang pag-iingat, kundi responsibilidad sa ibang motorista at pedestrian.
Magpahinga at maging alerto
Ang long drive ay nakakapagod, kaya kahit excited sa bakasyon, dapat magpahinga at manatiling alerto sa daan.
- Mag-stop tuwing 2–3 oras upang mag-stretch at maglakad
- Uminom ng sapat na tubig upang hindi ma-dehydrate
- Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho
Ang simpleng pahinga ay nakakatulong upang maiwasan ang fatigue driving, isa sa pangunahing sanhi ng aksidente tuwing Holy Week.
Alamin ang lagay ng panahon
Hindi lahat ng araw ng tag-init ay sunny.
Bago bumiyahe, i-check ang weather forecast mula sa PAGASA at planuhin ang ruta base sa kondisyon ng panahon.
- Iwasan ang biyahe kung may malakas na ulan o bagyo advisory
- Magdala ng rain gear o jacket para sa safety at comfort
- Kung pupunta sa beach o bundok, sundin ang official advisories tulad ng gale warning o flash flood alert
The post #BiyaheGoals: Safety tips sa mga motoristang balak mag-long drive appeared first on Bandera.

No comments: