Blackpink Rosé 1st-ever K-pop artist na nagwagi sa Brit Awards!

PANIGURADONG nagwawala sa tuwa ang fans ng K-Pop queens na Blackpink!
Si Rosé kasi ang kauna-unahang Korean pop artist na nanalo ng International Song of the Year sa 2026 Brit Awards, na ginanap sa Manchester, UK.
Ang parangal ay dahil sa "APT.", ang collaboration song nila ng international star na si Bruno Mars.
Magugunitang ini-release ang nasabing kanta noong October 2024 bilang bahagi ng "rosie," ang debut studio album ng Korean star.
Baka Bet Mo: Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay
Ang "APT." ay pinaghalong bright pop harmonies at catchy refrain na hango sa isang sikat na Korean drinking game, ang tinatawag na "apartment game."
Hindi rin nagpahuli sa charts, kung saan nagtagal ang collab song ng 45 weeks sa Billboard Hot 100, ang pinakamahabang run para sa isang K-pop track, at umabot pa sa #3 sa pinakamataas na pwesto!
At hindi pa dito nagtatapos ang panalo ni Rose, dahil noong September last year, nakakuha siya ng dalawang tropeyo sa MTV Video Music Awards, kasama ang pinakamataas na award para sa Song of the Year.
Bagamat nominated din ang "APT." sa Song of the Year at Record of the Year sa Grammy Awards, pati na rin sa Best Pop Duo/Group Performance, hindi na siya nakakuha ng parangal dito.
The post Blackpink Rosé 1st-ever K-pop artist na nagwagi sa Brit Awards! appeared first on Bandera.

No comments: