BREAKING NEWS

MAY RESIBO NA: Maine Mendoza, Arjo Atayde fake news ang hiwalayan

MAY RESIBO NA: Maine Mendoza, Arjo Atayde fake news ang hiwalayan
Arjo Atayde at Maine Mendoza kasama ang pamilya Atayde

PINATUNAYAN ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na fake news ang naglabasang balita na naghiwalay na sila.

Magkasama ang mag-asawa sa selebrasyon ng anibersaryo ng mga magulang ng aktor at public servant na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Mismong ang premyadong aktres ang nagbahagi ng mga litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa naganap na intimate family celebration.

Bukod kina Maine at Arjo, naroon din ang mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo kasama ang anak nilang Sabino; Gela Atayde kasama ang rumored boyfriend na si Zaijian Jaranilla; at ang bunsong anak nina Sylvia at Art na si Xavi Atayde.

"Thank you, kiddos, for surprising us last night. Love you all! Happy anniversary again, my husband Art—pangit! Love you most!" ang caption ni Sylvia sa kanyang IG post.

Sa comments section, mababasa ang pambabasag ng fans nina Arjo at Maine sa mga bashers at haters na naniwalang naghiwalay na ang mag-asawa.

Nagsimula ang tsismis na nagkakalabuan daw ang celebrity couple matapos mapabalitang lagi raw wala si Maine sa mahahalagang okasyon sa pamilya Atayde.

Kasunod nito, nilinaw ng publicist ng Atayde family na si Chuck Gomez na walang bahid ng katotohanan ang tsismis. Aniya, "She (Maine) wasn't feeling well that day."

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens sa post ni Sylvia.

"Basag na naman mga umaasa sa hiwalayan ni Maine at Cong Arjo… Happy Anniversary po Mr and Mrs Atayde."

"Oh sa mga naghahanap jan kay Maine ayan fresh na fresh! Di lang napost sa iba, dami na agad issue. happy anniversary po."

"Happy Anniversary po Boss Art & Maam Jojo Campo Atayde . may our good continue to bless you so you will be a blessings to othets too."

"O AYAN NA may resibo na. OK NA?! konting kibot ang daming hanash!"

"Happy happy anniversary to this beautiful and power couple Art Atayde and Jojo Campo Atayde !!! May your love story continue to unfold with each passing day, filled with laughter, adventure, and endless joy."

The post MAY RESIBO NA: Maine Mendoza, Arjo Atayde fake news ang hiwalayan appeared first on Bandera.


MAY RESIBO NA: Maine Mendoza, Arjo Atayde fake news ang hiwalayan MAY RESIBO NA: Maine Mendoza, Arjo Atayde fake news ang hiwalayan Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close