Pangulong Bongbong Marcos sa Ilocos Norte ang Holy Week break

SA Ilocos Norte palilipasin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ang Semana Santa.
Sinabi ito ni PBBM sa pagbubukas ng Aliaga-Cabanatuan section ng Central Luzon Link Expressway (CLLEx) kanina.
Ayon sa Punong Ehekutibo mananatili siya ng ilang araw sa Ilocos Norte at babalik din ng Malakanyang sa weekend.
"Holy week, I will spend a few days in Ilocos Norte and I will be back in Manila by the weekend," ani Marcos.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Marcos Jr., ukol sa kanyang Holy Week break.
Samantala, inanunsyo ni Marcos Jr., na wala bayad hanggang Disyembre ang pagdaan sa bagong bukas na bahagi ng CLLEx.
The post Pangulong Bongbong Marcos sa Ilocos Norte ang Holy Week break appeared first on Bandera.

No comments: