Belle Mariano nakiusap sa fans: Wag na po tayong mag-away-away

NAKIUSAP na rin ang Kapamilya actress na si Belle Mariano sa kanyang mga fans na mas piliin ang maging mabuti kesa magpakalat ng negativity sa social media.
Binasag na nga ni Belle ang kanyang katahimikan hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan ng loveteam nila ni Donny Pangilinan at ng Kapuso actress na si Shuvee Etrata.
Sa kanyang Instagram Story, nakiusap si Belle sa mga supporters nila ni Donny na tigilan na ang kanegahan dahil marami pang mas importanteng bagay ang dapat na pagtuunan nila ng pansin.
"Hi all! I call on everyone to let go of the negativity and hate that's been going around," ang simulang pagbabahagi ni Belle.
Patuloy pa niya, "There are bigger, more important things that need our attention.
"Let's choose kindness, patience, and understanding. Wag na po tayong mag away-away.
"Have a blessed Holy Week, everyone," ang buong mensahe ng aktres at singer.
Nanawagan din si Donny sa madlang pipol sa pamamagitan ng X na tigilan na ang pamba-bash sa Kapuso actress na si Shuvee Etrata at huwag nang idamay pa sa isyu si Belle.
"I'm out of the country right now on a short break, but I've been seeing a lot online.
"I don't usually speak up, but I think it's about time we stop spreading hate and constantly comparing people.
"There are far more important things happening in our country," ang paalala ni Donny.
Ayon pa sa Kapamilya actor, wala namang problema o isyu sa kanya ang viral video ni Shuvee kung saan lantarang inamin ng dalaga na crush niya si Donny.
"I feel like we've gotten too comfortable throwing hate online without thinking about how that affects actual human beings who have done nothing wrong. This is for all fandoms.
"Artists have lives, too. It's gone below the belt. Why did we reach this point?
"As for Belle, please keep her out of your narratives. She is beautiful, talented, and most importantly, has a great heart. Nothing you say or do will change that," pahayag ni Donny.
Nauna rito, humingi na ng paumanhin si Shuvee sa kanyang nasabi, "Sa lahat na po ng DonBelle fans, gusto ko pong mag-sorry if I reacted that way. I'm so sorry if I'm always fangirling over Donny. I will do my best para mapigilan po yung nararamdaman natin next time.
"He's really just a crush. Wala pong chance na magka-level po kami ni Donny. Kasi po si Donny po ay isa na pong kumikinang na bituin. Ako po ay pausbong pa lang.
"I hope you just spread love. Be mindful of how you say your comments online. Kasi, words can really be painful to somebody," aniya pa.
The post Belle Mariano nakiusap sa fans: Wag na po tayong mag-away-away appeared first on Bandera.
(@belle_mariano)

No comments: