BREAKING NEWS

Klea Pineda nagpakilig sa b-day ni Janella: Maswerte ako dahil nakilala kita!

Klea Pineda nagpakilig sa b-day ni Janella: Maswerte ako dahil nakilala kita!
Janella Salvador at Klea Pineda

KILIG much na naman ang mga fans sa ipinost na birthday message ni Kapuso actress Klea Pineda para kay Janella Salvador.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Klea ang isang video kung saan mapapanood ang simple celebration ng Kapamilya actress para sa kanyang 28th birthday last March 30.

"Maswerte ang mga taong minamahal mo at isa na ako sa kanila," ang caption ni Klea sa kanyang post.

Pagpapatuloy pa niya, "Maswerte ako dahil nakilala kita. Dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba. 

"Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko," aniya pa sa kanyang mensahe.

Sa huling bahagi ng post ni Klea, may inamin din siya about Janella, "Happy birthday my Janjan, ikaw ang tahimik kong tula at paboritong kong himig sa mundong ito." 

Nauna rito, nag-post din si Janella sa kanyang IG ng birthday photos kabilang na ang litrato niya with her form-fitting, floor length white dress. 

"Something about being in my late twenties is teaching me to embrace my softness. to be present, vulnerable, and most importantly free," ang mababasa sa kanyang caption.

The post Klea Pineda nagpakilig sa b-day ni Janella: Maswerte ako dahil nakilala kita! appeared first on Bandera.


Klea Pineda nagpakilig sa b-day ni Janella: Maswerte ako dahil nakilala kita! Klea Pineda nagpakilig sa b-day ni Janella: Maswerte ako dahil nakilala kita! Reviewed by pinoyako on March 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close