Dominic Ochoa may rebelasyon sa pagpanaw ni Rico Yan: Nakakasama ng loob…

MAKALIPAS ang 24 taon, inalala ni Dominic Ochoa ang araw ng pagkamatay ng kanyang malapit na kaibigang si Rico Yan.
Pumanaw ang aktor noong March 29, 2002 (Holy Week) sa edad na 27 habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.
Nagbigay ng panayam si Dominic sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" ng GMA upang linawin ang mga kumalat na fake news tungkol sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.
Kuwento ng aktor, may plano na siyang puntahan noong panahong yun pero bigla siyang niyaya ni Rico na magbakasyon sa Palawan.
Nais daw kasi ng aktor na makasama ang kanyang mga kaibigan sa Holy Week kaya ito na mismo ang bumili ng plane tickets at nagbayad ng lahat ng gastos nila.
Sey ng aktor, pumayag na rin siyang sumama para damayan si Rico na may malalim na pinagdaraanan noon dahil sa hiwalayan nila ni Claudine Barretto.
Hindi raw nakasama sa kanila that time ang isa pa nilang kaibigan na si Marvin Agustin dahil sa personal na kadahilanan.
Naaalala pa raw niya na nag-dinner pa sila ni Rico bago ito tuluyang namaalam, "We had a few drinks. He drank, definitely. He was depressed."
"I remember going home, going back to the villa. Sinabi niya na, 'This is the best day of my life. Puwede na 'kong (mamatay)…'" ang pagbabalik-tanaw ni Dominic.
Patuloy ni Dom, "We didn't take it seriously because, I mean…meron kasi silang ano, he has sleep apnea. Kaya siya sa loft nu'ng time na yun dahil malakas siya humilik."
Ang sleep apnea, ayon sa isang health website, ay isang seryosong karamdaman sa pagtulog kung saan paulit-ulit na humihinto at nagsisimula ang paghinga ng isang tao habang natutulog.
Karaniwan itong sanhi ng pagsikip ng daluyan ng hangin (obstructive), na nagreresulta sa malakas na paghilik, pagkapagod sa araw, at kakulangan ng oxygen sa katawan.
Pagpapatuloy ni Dominic, may usapan silang pupunta sa resort na pag-aari ng friend ni Rico para ma-try ang water sports doon.
"So, ako yung gumising sa kanya sa taas. Nasa loft siya, e. Bababa kami noong isa naming kaibigan, 10 in the morning kami, susunduin ng speedboat, e.
"So, when I woke up at 9:45 a.m. and we'll try to wake him up, he was ano na, well, to go straight to the point, Rico passed. When I tried waking him up, wala na," ang pag-alala pa ni Dominic.
Ilang oras na raw patay si Rico nang matagpuan nila na pumatak pa sa Good Friday, "Parang 2:20 a.m. narinig ko pa siya, e. Bumalik kami ng villa mga around 2 a.m., e. Parang sabi nu'ng doctor, 5 a.m. doon siya nalagutan ng hininga."
Ayon sa mga tumingin sa labi ni Rico, acute hemorrhagic pancreatitis o biglaang inflammation ng pancreas ang ikinamatay ng aktor.
Ang pinakamahirap daw na kailangang gawin ni Dominic nu'ng araw na yun ay ang ipaalam sa family ni Rico ang nangyari. Ang utol ng aktor na Bobby Yan ang tinawagan at nakausap ni Dom.
Kasunod nito, nilinaw ni Dominic ang ilang fake news hinggil sa biglaang pagpanaw ng kaibigan, "I'd like to take this opportunity also to…siyempre yung mga ganyan, they'll speculate that we took something.
"We never take anything, especially si Rico. He's just…he loved the person. Minsan ang nagiging cause is not the real cause of the problem. It's the people around. Yung hearsay.
"So, I must say, it's part of it. Yung mga lumabas na isinulat," paliwanag ni Dominic.
Hindi lang daw ang balitang nag-drug overdose umano si Rico dahil sa breakup nila ni Claudine ang tinutukoy ng aktor, "Not just that. Even before it happened.
"Medyo nakakasama ng loob din yun. Yun yung tinatawag na hindi pa uso ang fake news, may fake news na.
"Yung may mga nagsasabing nananakit siya, he's not the type. I'm not the type too. Kabilin-bilinan ko yun sa anak ko, never manakit ng babae, magbuhat ng kamay.
"Si Lord na ang bahala. I mean, di ba? I'm not here to point fingers or ano. Whoever naglabas ng mga sinasabi niyo about him, na nanggugulpi, na he's taking drugs, it's not true. Makunsensiya naman kayo sa sarili niyo," lahad pa ni Dom.
Pagpapatuloy niya, "The main purpose of this interview is not his death anniversary but maybe to remind the people to be careful with the words that you say or you post because it can be deadly.
"Iba, marami ang nagsasabi. Real faith, you have to be careful with the words that you use even to your family.
"So, amin lang naman, never mind, I mean, we know what really happened and we can sleep up to now na maayos. I mean, we're at peace," pag-alala pa ni Dominic.
Samantala, umabot daw ng tatlong taon bago naka-move on si Dominic sa pagkawala ni Rico, "We have to move on and accept. And He has a reason why it happened.
"It makes us stronger as a person, more mature to accept things, di ba? But I hope other people will also learn out of it. He touched a lot of people and siguro, it took a life to touch other people's lives," lahad pa niya.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang ipinagdarasal si Rico, "When I feel that I need to talk to someone, I go to Manila Memorial.
"But I don't take videos. I just go pray. I just go talk to him. It's an intimate relationship with a best friend," aniya pa.
Ayon sa mga ulat, umabot sa 10,000 katao ang nakipaglibing sa pahahatid kay Rico sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
The post Dominic Ochoa may rebelasyon sa pagpanaw ni Rico Yan: Nakakasama ng loob… appeared first on Bandera.

No comments: