Ilang KimPau fans umalma sa paglipat ng oras ng ‘The Alibi’; Kim nag-explain

WALANG isyu sa Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu ang paglipat ng time slot ng "The Alibi" para bigyang-daan ang "Blood vs Duty."
Kasalukuyang napapanood ang serye nina Kim at Paulo Avelino sa binakanteng oras ng "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin.
Ngunit sa pagpasok nga ng "Blood vs Duty" nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson sa primetime block ng ABS-CBN, malilipat sa ibang oras ang "The Alibi."
Dahil dito, ginagawan ng issue ngayon ng ilang netizens ang pagbabago sa time slot ng KimPau series para sa bagong teleserye nina Richard at Gerald kasama sina Barbie Imperial at Bela Padilla.
Kung matatandaang, naiyak pa nga si Kim sa sobrang tuwa nang ilagay sa iniwang slot ng "Batang Quiapo" ang "The Alibi" after ng "TV Patrol" na katapat naman ng "Sang'gre: Encantadia Chronicles" ng GMA 7.
Sa gitna ng isyung ito, naglabas ng pahayag si Kim at nagpaliwanag sa paglipat ng "The Alibi" sa third slot ng Primetime Bida ng ABS-CBN.
Sey ng aktres, alam naman daw nila na mangyayari ito kapag for airing na ang seryeng "Sigabo" na pagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes, na siyang papalit sana sa "Batang Quiapo."
"Ola!! I've been reading your comments here on X about the time slot and I just want to reassure you all—no need to worry.
"From the very beginning, we already knew that The Alibi would be on the 3rd slot," ang esplika ni sa kaniang X post.
"There were just some unforeseen circumstances where another show wasn't quite ready yet.
"Since The Alibi has already been completed and has been streaming on Prime since last year, we're simply filling in the slot for a little while.
"So here we are. Everything is going according to plan, and everything is under control. Thank you for your love, patience, and nonstop support. Love you all! 8:45 here we go!!!" buong paliwanag ng dalaga.
Iba't iba naman ang reaksyon ng mga tagasuporta ni Kim hinggil dito. May nagkomentong netizen na dapat daw ipinaglaban ng KimPau ang kanilang time slot dahil nasanay na ang fans sa oras ng "The Alibi."
Ilan naman ang nagsabing sumusunod lamang si Kim sa desisyon ng network dahil mas alam ng management ang kanilang strategy.
Sabi naman ng ilang KimPau fans, kahit saan daw ilagay na time slot ang serye ay susuportahan pa rin nila nang bonggang-bongga.
The post Ilang KimPau fans umalma sa paglipat ng oras ng 'The Alibi'; Kim nag-explain appeared first on Bandera.
(@chinitaprincess)

No comments: