BREAKING NEWS

Robin Padilla nagdala ng maleta sa SC para sa ‘Duterte: Bring Him Home’ 

Robin Padilla nagdala ng maleta sa SC para sa 'Duterte: Bring Him Home' 
Robin Padilla at Rodrigo Duterte

PERSONAL na nakiisa si Sen. Robin Padilla at ilan pang loyal supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong nilang "Bring Him Home!" campaign.

Nagtungo ang grupo ng action star at public servant sa tanggapan Korte Suprema nitong Lunes ng hapon, March 30, para muling hilingin ang agad na pagpapauwi kay Duterte sa Pilipinas.

Nasa detention facility pa rin ng International Criminal Court o ICC sa The Hague, Netherlands ang dating presidente dahil sa kinakaharap nitong kasong "crimes against humanity."

Ang kahilingan ng grupo ni Padilla ay mas mapabilis ang pagproseso sa mga petisyon kaugnay ng mga kaso ni Duterte sa ICC.

"Bring Him Home!" ang panimulang pahayag ni Sen. Robin sa pagtungo sa Supreme Court kasama ang singer-actress na si Mocha Uson at iba pang kaalyado ng pamilya Duterte.

Pagpapatuloy niya, "Nandito po kami muli para dalhin po namin sa ating Kataas-taasang Hukuman ang mga nakalap po naming pirma.

"Mga kababayan po natin na humihiling na sana po ay desisyunan na ng ating mga hukom 'yong amin pong hiling na patungkol po sa ating dating Pangulo na Rodrigo Roa Duterte.

"May dala po kaming 304,000 na mga pirma," ang pahayag pa ni Sen. Robin.

Sinabi naman sa tagapagsalita ng mga supporters ni Duterte na si Joey Cruz, nakakuha sila ng mahigit 300,000 na pirma mula sa mga kababayan natin sa loob lamang ng apat na buwan.

"Total signatures po na nakalap namin, after four months is 304,304 signatures.

"All verifiable 304,000 strong support to encourage the Supreme Court (SC) to decide on the habeas corpus cases filed by the Duterte siblings," ayon kay Cruz.

Inaasahan daw nila na mas madagdagan pa ang mga lagda na susuporta sa dating pangulo at muli silang magsasagawa ng  "submission" sa Korte Suprema.

Siniguro rin ng grupo nina Padilla na ang lahat ng nalikom nilang mga pirma ay walang kapalit at walang ayuda.

Samantala, sa isang bahagi ng pagtitipon ay binuhat pa ni Sen. Robin ang isang maleta kung saan nakalagay ang mga dokumento at pirma ng mga tagasuporta ni Duterte.

"Ito po 'yong maleta…mabigat talaga! Hindi po pera 'to, ha!" ang pagbabandera pa ng senador.

The post Robin Padilla nagdala ng maleta sa SC para sa 'Duterte: Bring Him Home'  appeared first on Bandera.


Robin Padilla nagdala ng maleta sa SC para sa ‘Duterte: Bring Him Home’  Robin Padilla nagdala ng maleta sa SC para sa ‘Duterte: Bring Him Home’  Reviewed by pinoyako on March 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close