Shuvee Etrata, Michael, Marco apektado rin ng oil crisis: Tipid-tipid din

NAGREREKLAMO na rin ang ilang celebrities dahil sa patuloy na oil crisis o pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa bunsod ng giyera sa Middle East.
Ito'y dahil pa rin sa patuloy na giyera sa pagitan ng pinagsanib-pwersang Amerika at Israel laban sa Iran na kanilang inakusahang may "nuclear at missile capabilities".
Last March 24, 2026, nagdeklara si President Bongbong Marcos, Jr. ng State of National Energy Emergency o Executive Order (EO) No. 110 matapos ang sunud-sunod na oil price hike.
Natanong sa grand mediacon ang cast members ng latest horror movie ng GMA Pictures at Mentorque Productions, ang "Huwag Kang Titingin" hinggil sa umiiral na oil crisis.
Sabi ni Shuvee, "Oh, my gosh, yes. I feel like…apektado naman po ako, pero hindi po ako yung pinakanaapektuhan ngayon.
"I feel for those who really make this as their job. Kaya nasabi ko kanina sa interview, marami po… ako at least po, nababayaran ko yung mga gasolina kasi marami naman pong dumadating na blessings.
"Pero paano naman yung mga driver, yung mga tsuper natin, yung mga driver ng tricycle, yung mga ganun po na kakarampot lang yung nakukuha nilang pera sa pagda-drive.
"Tapos mas tumaas pa. Parang wala na po, negative na po ang nakukuha nila.
"So doon po akong parang nalulungkot, pero, at the same time, hopeful na sana maging okay ang lahat para mas mapabuti yung hanapbuhay ng lahat," pahayag ni Shuvee.
Dagdag pang sey ng dalaga, "Huwag gumala kung hindi naman kailangan. Never naman po talaga ako gumala, ang ano naman sa akin, yung trabaho.
"Alangan namang hindi ako pumunta sa trabaho, parang kailangan ko talaga puntahan yung mga commitments ko.
"So wala, haharapin ko po talaga siya. Yung tipid kasi na yun, siguro, huwag na masyadong mag-stay sa sasakyan nang matagal. Kung naka-park, akyat na agad.
"Or minsan kapag long drive, puwedeng i-open na lang natin ang window. Off yung aircon para simoy ng hangin na lang, ganu'n. Pero mahirap. Mahirap talaga," saad ng aktres at TV host.
Para naman kay Michael Sager, "Talagang dapat aware tayo kasi it's a world crisis with the current events that's going on right now.
"I hope that we find a solution kasi kawawa din po ang mga Pilipino, and talagang lahat po affected diyan.
"Let's just try our best to find ways siguro that we're able to deal with this and let's just pray for the best and bahala na po ang mga superiors that will guide us with this," sey ng aktor.
At para raw makatipid, "Kapag hindi kailangan lumabas, huwag na muna lumabas. Right now, I see myself, I just stay at home na lang minsan and pag mag-carpool, I think yun yung importante pag may mga kaibigan tayong mga kapitbahay.
"Yun lang, tipid tayo, mag-walking, walking di ba? Masaya din bang maglakad, e," lahad ng Kapuso star.
Sabi naman ni Marco Masa, "Siguro a lot of people would overlook, yung mga kabataan na parang hindi namin…ako, personally, na parang hindi ko na makikita yun.
"But siyempre, I've made changes with my lifestyle para mas maging maayos yung paggastos ko, yung pag-spend ko ng money.
"Dahil yun nga, since, nagda-drive na rin talaga ako and I drive my car, siyempre, apektado talaga ako sa pagtaas ng gas," saad ni Marco patungkol sa oil crisis.
Dagdag niya, "So, a great way is to make sure na yung pupuntahan is importante, pupuntahan is makabuluhan.
"And para, ayun, I just wanna earn more lang din talaga to make sure na I'm living the life na siguro hindi ko lang ma-sacrifice yung teenage life ko dahil sa kung anong nangyayari sa akin.
"Of course, hindi ko pa rin kinakalimutan na magpasalamat kay God, mag-spend time with friends, mag-spend time sa sarili ko. You know, to make sure na nabubuhay ako and I'm not just surviving, and I'm living," dugtong ng aktor.
Anyway, showing na sa lahat ng sinehan ang "Huwag Kang Titingin" sa April 15. Ito'y mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.
The post Shuvee Etrata, Michael, Marco apektado rin ng oil crisis: Tipid-tipid din appeared first on Bandera.

No comments: