Robin Padilla dinepensahan si Atty. Guanzon: Tatay Digong is dilaw!

IPINAGTANGGOL ni Sen. Robin Padilla si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon laban sa mga kumukuwestiyon sa pagsuporta nito kay Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, March 30, ibinahagi niya ang larawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.
"Pambihira talaga, historically Tatay digong is dilaw, PDP Laban is dilaw!" panimula ni Robin.
Kasunod nito ay ang kanyang pagkuwestiyon ng actor-politician sa publiko sa mga bumabatikos kay Guanzon.
Baka Bet Mo: Robin Padilla itinuring na 'bayani' si Rodrigo Duterte
"Anong isyu ninyo kay future senator Atty Rowena Guanzon? Eh dilaw pa sa dilaw si [Atty.] Nakakapagtaka ba na mag Inday Sara siya? My goodness!" saad ni Robin.
Aniya, pinanghahawakan lang daw ni Guanzon ang mga prinsipyo at sana raw ay nag-researxg muna ang madlang netizens bago ang pambabatikos.
"Atty Guanzon is simply maintaining her dilaw principles! Hirap naman umintindi ng iba. Magsaliksik naman kasi kayo wag puro satsat," sey pa ni Robin.
Ayon umano sa research ng senador, isa raw ang PDP sa pangunahing susi upang manalo sa snap election si Aquino noong 1986.
Sabi pa ni Robin, "PDP-Laban was a key pillar of the coalition that supported Corazon 'Cory' Aquino's victory in the 1986 snap election, leading to her presidency.
"In February 1986, following the EDSA People Power Revolution, Corazon Aquino assumed power as President of the Philippines through a revolutionary government."
Chika pa ni Robin, si Cory rin ang nagtalaga kay Digong na maging officer-in-charge (OIC) Vice Mayor ng Davao City noon.
"On March 20, 1986, President Corazon Aquino appointed local officers-in-charge (OICs) nationwide to replace officials associated with the Marcos regime. In Davao City, Aquino appointed Zafiro Respicio as OIC Mayor and Rodrigo Duterte as OIC Vice Mayor," lahad ni Robin.
Paglalatag pa niya, naging alkalde ng Davao City si FPRRD noong January 18, 1988 at kalauna'y naging PDP Laban chairman dahilan para hindi raw ituring na masama ang pagiging maka-Aquino ng naturang partido.
"In the January 18, 1988 local elections, Rodrigo Duterte won and became the mayor of Davao City under the banner of the Lakas ng Dabaw coalition allied with Aquino's Lakas ng Bansa.
Former President Rodrigo Roa Duterte is presently the chairman of PDP Laban.
"PDP Laban is the original dilaw!" giit pa ni Robin.
Matatanaang nauna nang inihayag ni Guanzon sa kanyang pakikiisa sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw at ika-31 na kaarawan ni FPRRD noong Marso 28, 2026, na buo ang suporta niya sa pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo ng bansa sa 2028.
The post Robin Padilla dinepensahan si Atty. Guanzon: Tatay Digong is dilaw! appeared first on Bandera.

No comments: