BREAKING NEWS

LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso

LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso

NITONG Marso, sunod-sunod ang pasabog sa big screen –may horror, drama na tagos sa puso, hugot, at sci-fi na pangmalakasan!

Kaya kung naghahanap ka ng papanoorin kasama ang jowa, barkada, o pamilya, heto na ang listahan na siguradong pag-uusapan.

March 4 – The Bride!

Bonggang-bongga ang tambalan nina Jessie Buckley at Christian Bale sa kakaibang bersyon ng Frankenstein!

Sa direksyon ni Maggie Gyllenhaal, sinusundan ng kwento ang isang malungkot na Frankenstein na bumiyahe patungong 1930s Chicago para makiusap sa scientist na si Dr. Euphronious (Annette Bening) na gawan siya ng makakasama. 

Baka Bet Mo: Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong 'Super Mario' movie, ipinasilip na

Mula sa isang pinatay na dalaga, isinilang ang "The Bride," pero imbes na simpleng pag-ibig ang mangyari, nauwi ito sa murder, possession, at isang radikal na kilusan! 

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/JI_BiGdqrDE?si=ZKoh5yiWsE_iMeQi" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 4 – Atsay

Isang restored classic na siguradong tatagos sa puso!

Sa direksyon ni Eddie Garcia, tampok ang nag-iisang Nora Aunor bilang si Nelia, isang probinsyanang napilitang magtrabaho bilang kasambahay sa Maynila. 

Ngunit sa halip na magandang buhay, pang-aapi ang kanyang dinanas.

Isang makapangyarihang retrato ng realidad na hanggang ngayon ay relevant pa rin, na mapapanood exclusively sa Ayala Malls Cinemas.

March 11 – Reminders of Him

Hugot alert, mga ka-Bandera! Ang "Reminders of Him" ay base sa bestselling novel ni Colleen Hoover, tampok si Maika Monroe bilang Kenna, isang inang nakulong matapos ang isang pagkakamali. 

Pitong taon ang lumipas, babalik siya sa hometown niya para buuin muli ang buhay at makilala ang anak na si Diem.

Ngunit hindi magiging madali ang lahat, lalo na't tutol ang mga lolo't lola ng bata. 

Sa gitna ng laban para sa anak, may mabubuong lihim na pag-ibig kay Ledger (Tyriq Withers). 

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/i36Zw32GfRQ?si=0-PCODv8bLKTAOH8" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 11 – Pose

Isang psychological thriller na magpapaisip sa'yo kung sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan.

Pinagbibidahan nina James McAvoy at Lucas Bravo, dalawang mag-asawa ang hindi sinasadyang mag-book ng iisang kwarto sa isang mansion sa countryside. 

Pero habang tumatagal ang kanilang pananatili, may mga kakaibang pangyayari ang magpapayanig sa kanilang katinuan.

Abangan ang "Pose" exclusively sa Ayala Malls Cinemas.

March 18 – Project Hail Mary

Si Ryan Gosling bilang si Ryland Grace, isang science teacher na nagising sa spaceship na walang maalalang kahit ano. 

Unti-unti niyang matutuklasan na may misyon siyang iligtas ang mundo mula sa extinction!

Sa direksyon nina Phil Lord at Christopher Miller, puno ito ng suspense, science, at isang hindi inaasahang pagkakaibigan sa kalawakan.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/tvd7UUHzdhA?si=I2Dg56Tc1X_8oP-4" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 18 – Mudborn

Kung bet mo ang supernatural horror, ito na!

Isang buntis ang hindi namalayang nakapag-uwi ng haunted object at doon magsisimula ang possession at matinding terror. 

Mapipilitan ang kanyang asawa na humingi ng tulong sa isang psychic para mailigtas ang kanilang pamilya.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/WMD0FRHwnc8?si=xg16hONi5pnMdQCZ" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 18 – Songs for Selina

Para naman sa mga mahilig sa music drama!

Pinagbibidahan nina Rachel Alejandro at Mica Javier, kwento ito ng dalawang musical soulmates na pinaghiwalay ng malupit na industriya ng musika. 

Habang umaangat sa kasikatan si Selina, napipilitang manatili sa anino si Maya bilang ghostwriter.

Ang "Songs for Seline" ay mapapanood lamang sa Ayala Malls Cinemas.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/IZMcx1fq55I?si=fjoDxjzVT_vFaQOJ" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 25 – They Will Kill You

Isang babae ang kailangang makaligtas sa loob ng isang demonic cult's twisted lair na tinatawag na Virgil. 

Isang gabi ng patayan, sagupaan, at epic kills ang haharapin niya para hindi siya maging susunod na alay.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/mGrPBpaaGWs?si=xh9Ol8Frmg6nQ0NB" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

March 25 – Merika

Muling mapapanood sa big screen ang classic nina Nora Aunor at Bembol Roco.

Sa direksyon ni Gil Portes, tinatalakay ng "Merika" ang buhay ng mga Pilipinong nag-abroad sa Amerika.

Isang kwentong Pinoy na tatagos hanggang buto, na mapapanood exclusively sa Ayala Mall Cinemas.

The post LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso appeared first on Bandera.


LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close