Jillian Ward spotted sa laban ni Eman Pacquiao sa Bohol, magdyowa na?!
MUKHANG trulili nga ang chika na may mutual understanding na ang dalawang Sparkle artists na sina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao.
Talagang naglaan ng panahon si Jillian para mapanood at suportahan ang boxing match ni Eman sa Bohol kahapon, February 28.
Mismong ang talent management ni Jillian na Sparkle GMA Artist Center ang nag-post ng mga litrato ni Jillian sa social media habang nanonood ng laban ni Eman.
"A SWEET SURPRISE FOR OUR CHAMP! Sparkle star Jillian Ward shows her support for Eman Bacosa Pacquiao as he steps into the ring today for the Kumong Bol-Anon 24 in Tagbilaran City, Bohol!" ang mababasa sa caption nito.
In fairness, feeling ng mga fans ay lucky charm ng anak ni Manny Pacquiao si Jillian dahil napatumba nito ang kalabang Indonesian na si Reynold Kundimang.
Wagi si Eman sa score na 8-0-1, kung saan napatumba niya ang kalaban ng limang beses hanggang sa mapagwagian niya ang bakbakan pagsapit ng Round 4.
Matatandaang sa naging interview ng King of Talk na si Boy Abunda kay Eman noong November, 2025, inamin nitong crush na crush niya si Jillian.
Nang hingan naman ng reaksyon ang young actress sa pag-amin ni Eman, sinabi nitong, "Na-appreciate ko naman. Finollow niya po ako, finollow back ko.
"Napapanood ko din po 'yung mga TikToks tungkol sa kaniya na he's very Godly, he's very nice," aniya pa.
The post Jillian Ward spotted sa laban ni Eman Pacquiao sa Bohol, magdyowa na?! appeared first on Bandera.

No comments: