BREAKING NEWS

Belle Mariano wish maka-work sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz

Belle Mariano wish maka-work sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz
John lloyd Cruz, Judy Ann Santos at Belle Mariano

MAY dalawang artistang pinapangarap na makasama ng Kapamilya star na si Belle Mariano sa kanyang next projects.

Iyan ay walang iba kundi ang award-winning actress at Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos at ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Nakachikahan ng ilang entertainment editors si Belle kamakailan after ng ginanap na Star Magic Spotlight presscon.

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung sinu-sino pa sa mga sikat at premyadong artista ang nais niyang makasama sa mga susunod niyang teleserye at pelikula.

Una niyang binanggit ang pangalan ni Judy Ann. Never pa raw niyang nakasama ang premyadong aktres sa kahit anong proyekto kaya sana raw ay mabigyan siya ng chance na makatrabago ang wifey ni Ryan Agoncillo.

"Feeling ko lahat ng mga makakasama ko, may matutunan naman ako," sey ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan.

"Actually lahat naman po, eh.  Parang feeling ko kasi bawat nang makakasama ko, feeling ko marami akong matututunan sa kanila.

"Ah, sa actors po…John Lloyd, yeah! Opo!" sey ni Belle na may pa-shoutout pa sa dating Kapamilya star. Aniya, "Sana po magka-work tayo."

Nauna rito, sinabi rin ng Kapamilya actress-singer na payG din siyang gumawa ng GL o girls' love project kung mabibigyan ng chance.

"Kung maganda po iyong story, why not po? Feeling ko, ako po ang focus ko talaga, if it sends out a good message sa mga manonood. 

"Kung maganda po iyong mensahe, kung mga makakapag-inspire. And those are the factors that I consider. And maganda po iyong story, kung maganda iyong story, why not?" sey ni Belle.

Dagdag pa niya, "Parang ever since I had that mindset na, you know, ma-challenge talaga ako. 

"Kung maganda po ang story ready po ako ang feeling ko kasi naka-focus ako  sa mga manonood basta po maganda ang mga story," saad pa niya.

The post Belle Mariano wish maka-work sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz appeared first on Bandera.


Belle Mariano wish maka-work sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz Belle Mariano wish maka-work sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close