Iwa Moto may pagbabanta, tinawag na sinungaling kaaway sa socmed

PALABAN at wala pa ring inuurungang laban ang dating Kapuso star na si Iwa Moto, lalo na kung alam niyang nasa katwiran siya.
Na-curious ang mga social media followers ni Iwa kung sino ang bagong kaaway nito na tinawag pa niyang sinungaling.
Wala kasing binanggit na pangalan ang fiancée ni Pampi Lacson sa mga naging rebelasyon niya sa isang TikTok video about an individual na nagpapakalat daw ng fake news sa socmed.
Pero ang paniniwala ng mga netizens, may kaugnayan ito sa interview ng content creator na si Hajie Alejandro sa YouTube channel na "Think Talk Tea" noong February 24, 2026.
Natanong si Hajie kung may nakaaway na ba siyang sikat na influencers at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa isang phone-suction product review ng isang "influencer" at "celebrity" seller.
Um-order daw siya rito at naging affiliate ng naturang product kasunod ang paggawa ng video gamit ang produkto pero na-disappoint siya dahil hindi raw effective.
Sey niya sa interview, "Mali naman, sinungaling." Pero paglilinaw niya, hindi ang "celebrity influencer" ang sinabihan niyang sinungaling kundi ang product.
Nang mapanood daw ng celebrity ang video ay nag-message ito sa kanya, "Sabi niya, 'Hajie, I'm a fan of yours. Kaya lang na-sad ako.' Sabi niya, 'Kasi sinabihan mo ako ng ganito, na parang sobrang hateful naman nu'ng word na ganito ganyan.'"
Gumawa rin daw ng reaction video ang "celebrity" kung saan pinasinungalingan ang product review ni Hajie. Nag-sorry daw si Hajie at sinabing idi-delete na lang ang video.
Nagkasundo ang dalawa na parehong i-take down ang kani-kanilang reaction videos pero after nito, sinabi ng "celebrity" na "in-ads" o isang boosted ad ang kanyang video kaya hindi ito agad madi-delete.
Kasunod nito, nag-message umano kay Hajie ang asawa ng "celebrity" na hindi ito papayag i-delete ang reaction video at kakasuhan pa ras siya ng slander.
"Tinakot ako. May mga ganu'ng threat," aniya.
Isang araw after lumabas ang YouTube interview ni Hajie, naglabas nga ng TikTok video si Iwa ngunit wala rin siyang binanggit na pangalan.
"DEAR YOU. Hobby mo ba na gumawa ng kwento or napaniwala mo na yung sarili mo? Utang na loob tantanan mo ako.
"I dare you to allow me to post our convos para magkaalaman na sino nga ba satin ang nag sasabi ng totoo," ang post ni Iwa.
Patuloy niya, "The Audacity…Super EDITED naman version ng kwento mo…
"Kala ko di ka maissue? HINDI issue lumalapit sayo. You attract it. Last year pa issue gusto mo talaga balikan? Kala ko ba ayaw mo ng issue.
"Really hope you stop ruining my mood," aniya pa.
Hirit pa ni Iwa, "PWEDE NAMAN IPOST KO CONVO NATIN tandaan mo may resibo ng convo.. (dali bigyan mo ako consent post ko convo natin and convo nyo ni pampi) total inungkat mo pa eh.
"Tsaka para makita ng lahat na di totoo sinasabi mong tinakot ka. Magkaiba yung TINAKOT sa NATAKOT. Alam mong may mali ka kasi.
"Why dont you post your video again? Para makita ng lahat sino sating dalawa nag sasabi ng totoo.
"Product ang sinabihan ng sinungaling? You did not even read the instructions.
"TINAKOT?!?! Demanda?!?!?! Sino nanakot sayo?" lahad ng dating aktres.
Tungkol naman sa "in-ads" niyang reaction video, "About du'n sa sinasabi mong ads. YES nag ads ako para mas malawak yung reach kasi nga siniraan mo ako dba? 5 days na pala yung post mo tungkol sakin wala akong kaalamalam until dami ng nang aaway sakin.
"Tsaka dba may consent mo rin yun?!?! Sabi mo up to me if I want to boost it.
"Kasi naman ang dami mong followers. Sana maging RESPONSIBLE ka naman sa mga binibitawan mong salita.
"Dami nag msg at nangbash nanaman sakin dahil sa interview mo. Sa mga nag sasabi na bakit d ko pa daw burahin. BAKIT nag public apology na ba sya??
"Ayoko na sana pumatol eh. PERO Dahil sa gawa gawa mong kwento sa interview mo AKO PA ANG LUMALABAS NA MAY KASALANAN. Eh ikaw ang nag umpisa. Nag react lang ako sa accusations mo.
"FOR THE RECORD HINDI UGALI NI PAMPI NA MANAKOT NG TAO. Maayos ka minessage ni pampi.
"Consent mo lang kailangan ko post ko lahat dito…Ngayon ikaw ang sasabihan ko. Directly to you. SINUNGALING KA," ang buong pahayag ni Iwa Moto.
The post Iwa Moto may pagbabanta, tinawag na sinungaling kaaway sa socmed appeared first on Bandera.

No comments: