Kaye Abad tinamaan ng viral infection na ‘herpangina’: Masakit siya guys

TINAMAAN ng isang viral infection ang aktres na si Kaye Abad na tinatawag na "Herpangina."
Ibinahagi sa publiko ni Kaye ang kanyang karamdaman sa pamamagitan ng video na ipinost niya sa social media nitong nagdaang Sabado, February 28.
Dito, mapapanood ang pagdedetalye ng aktres kung saan at paano niya nakuha ang naturang sakit.
"I've been isolating myself for three days now. I think I got sa airport or sa plane. I felt sick, Sunday night," ang simula niyang pagbabahagi.
Ayon sa aktres, nakaramdam siya ng lagnat, pagkawala ng gana sa pagkain, panghihina at pananakit ng kasu-kasuan nu'ng unang dalawang araw. Ang akala nga raw niya ay dengue ito.
Ngunit noong ikatlong araw daw ay nagkaroon na siya ng blisters sa bibig, kaya inakala naman niyang hand, foot, and mouth disease ang dumapo sa kanya.
"When I showed the doctor the picture, especially my throat and the positions of the mouth sores, he said it's herpangina. Ngayon ko lang narinig 'yon.
"I googled it, and it's in the same family as hand, foot, and mouth disease, except herpangina is walang rashes sa hands and sa feet.
"And sa position ng sores, sa cheeks, sa cheek area, and sa tongue, wala ako sa throat," paliwanag ng aktres.
Mas dumami pa raw ang sores niya sa bibig pagsapit ng ikaapat na araw at kasunod nga nito ay nakaramdam na siya ng matinding paghapdi ng mga sugat, at nahirapan na siyang kumain at magsalita.
"Good thing na wala akong sores sa throat, I can still drink water. Cold water helps kasi medyo nawawala 'yong stingy feeling," saad ni Kaye.
Walang gamot para sa herpangina, ani Kaye, kaya kahit daw ang paggamit ng mouth sores medicine ay hindi makakatulong para maibsan ang sakit.
Ang nainam daw na gawin ay mag-cold compress at gumamit ng temporary numbing gels.
"So, naka-isolate ako from the kids. They're okay. Just to warn you guys, keep safe. It's very hard. Masakit siya, guys. I hope I'll be better," pahayag pa ng aktres.
Base sa isang health website, ang herpangina, ay isang viral disease kung saan ang tinamaan nito ay karaniwang nagkakaroon ng blister-like ulcers sa loob ng bibig at lalamunan.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang biglaang lagnat, pananakit ng lalamunan o sore throat, pananakit ng ulo at leeg.
Ang tamang paghuhugas ng kamay ang isa sa mga dapat gawin para mabawasan ang risk ng pagkalat nito.
The post Kaye Abad tinamaan ng viral infection na 'herpangina': Masakit siya guys appeared first on Bandera.

No comments: