BREAKING NEWS

Erwin Tulfo hindi tatakbong VP sa 2028: Ayoko nang madamay pamilya ko

Erwin Tulfo hindi tatakbong VP sa 2028: Ayoko nang madamay pamilya ko
Erwin Tulfo at Leni Robredo

IPINAGDIINAN ni Sen. Erwin Tulfo na wala talaga siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno sa Eleksyon 2028.

Marami kasi ang nagpapalagay na kakandidato siyang vice president ka-tandem si Naga City Mayor Leni Robredo sakaling tumakbo ito uling pangulo.

"Wala po akong plano na tumakbo sa higher office dahil naramdaman ko na yung pressure, yung intriga nung tayo tumakbo nung senador. 

"Kawawa po pati pamilya ko nadamay, mga anak ko na walang kinalaman so ayaw ko na pumasok sa ganu'n na madamay ang pamilya ko," ang sabi ni Tulfo sa panayam ng isang radio news program.

Sabi ng dating broadcast journalist, nagsimula raw ang usapin tungkol sa posibleng pagtakbo niya bilang bise presidente matapos sabihin ng isang political analyst na ang tambalan daw nila ni Robredo ang pwedeng tumalo kay Sara Duterte sa 2028 national elections.

Kinumpirma na ni VP Sara ang pagtakbo niyang presidente sa Eleksyon 2028 at may ni-recruit na raw siyang personalidad na maging running mate niya.

Samantala, ayon naman kay Robredo, walang napag-usapang politika sa pagpupulong nila kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

"Hindi 'to politika, at saka ang layo pa ng election. Hindi pa nga ako nagwa-one year sa puwesto ko, di pa umiinit yung upuan ko, tapos politika na agad  Magtrabaho muna tayo," saad ni Robredo.

The post Erwin Tulfo hindi tatakbong VP sa 2028: Ayoko nang madamay pamilya ko appeared first on Bandera.


Erwin Tulfo hindi tatakbong VP sa 2028: Ayoko nang madamay pamilya ko Erwin Tulfo hindi tatakbong VP sa 2028: Ayoko nang madamay pamilya ko Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close