BREAKING NEWS

Aaron Villaflor, Ron Angeles nag-react sa umano’y viral video scandal

Aaron Villaflor, Ron Angeles nag-react sa umano'y viral video scandal
Aaron Villaflor, Ron Angeles

VIRAL sa social media ang umano'y private videos ng ilang kilalang aktor na sina Aaron Villaflor, Ron Angeles, Nikko Natividad, at Gil Cuerva. 

Maraming netizens ang nagbahagi ng larawan at nag-debate kung totoo nga ba ang nasabing videos.

Pero kahit trending ang usapin, nanahimik sina Nikko at Gil habang nagbigay na ng malinaw na pahayag si Aaron at tila may sagot din si Ron sa pamamagitan ng kanyang social media post.

Noong March 1, nag-upload si Ron ng shirtless photo sa Facebook na may caption na: "Relax lang kayo dyan."

Baka Bet Mo: Arron Villaflor dinogshow matapos manawagan ng dasal para sa Cebu

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FRmartinTambayan%2Fposts%2Fpfbid02XwHMa7i1faGyWQ3bUngugS9AmnVedKQ6dGZPa9RHFajwxiXyLLnGNfmtzF96hDd7l&show_text=true&width=500" width="500" height="590" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Samantala, sinabi ni Aaron sa isang interview na ang umano'y video scandal ay bahagi lamang ng smear campaign laban sa kanya. 

Hinamon pa niya ang netizens na magpakita ng ebidensya, ngunit nilinaw na ang tanging mga video na ipinakita sa kanya ay mga eksena mula sa kanyang Vivamax movies.

"Sabi ko, 'Go! Ipakita ninyo sa akin.' E lahat ng ipinakita nila, from my Vivamax projects. Ay naku, napakarami po ng smear campaign," sey niya.

Aniya pa, "It's part of the political industry, so depende sa inyo on how you're gonna react."

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling misteryo kung ang mga taong nasa video ay tunay na sina Aaron, Ron, Nikko, at Gil, o mga lookalikes lamang.

The post Aaron Villaflor, Ron Angeles nag-react sa umano'y viral video scandal appeared first on Bandera.


Aaron Villaflor, Ron Angeles nag-react sa umano’y viral video scandal Aaron Villaflor, Ron Angeles nag-react sa umano’y viral video scandal Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close