BREAKING NEWS

Samantha Panlilio humarap sa NBI dahil sa reklamong assault, illegal detention

Samantha Panlilio humarap sa NBI dahil sa reklamo ng assault, illegal detention
PHOTO: Instagram/@samanthapanlilio_

HUMARAP na sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Samantha Panlilio.

Ito ay kaugnay sa reklamong assault at illegal detention na isinampa laban sa kanya at sa kanyang celebrity friends na sina Michelle Dee at Rhian Ramos.

Noong Biyernes, February 27, personal na nagpakita si Samantha sa NBI-Homicide Division sa pamamagitan ng kanyang legal counsel matapos makatanggap ng subpoena kaugnay sa reklamo ng personal driver ni Rhian na si Bonifacio Baro o alyas Totoy.

Sa pahayag na ipinadala sa INQUIRER, sinabi ng mga abogado ni Samantha na sina Buenaventura B. Miranda at Andrea Rose G. Garcia na agad silang tumalima sa ipinadalang subpoena ng NBI.

Baka Bet Mo: Michelle Dee, Rhian, Samantha inisyuhan na ng subpoena ng NBI

Gayunman, ayon sa kanila, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng pormal na reklamo o sworn statement na inihain ng driver.

"Pending receipt of a copy of Baro's formal complaint/statement, Panlilio will respond to Baro's accusations at the appropriate time," pahayag ng kampo ni Samantha.

Hindi rin pinalampas ng kampo ng socialite ang alegasyon ng driver.

Ayon sa kanyang mga abogado, ang mga paratang umano ni Baro ay "incredible, unimaginable, and unbelievable," lalo't nauna na raw itong nagsabing tumalon umano siya mula sa ika-39 palapag upang makatakas sa umano'y torture.

Nauna nang kinumpirma ng legal counsel ni Michelle na si Maggie Abraham-Garduque na nakatanggap din sila ng subpoena mula sa NBI at handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Matatandaang inakusahan ng personal driver ni Rhian ang tatlong babae ng umano'y pananakit at ilegal na pagkulong. 

Ayon sa driver, nagsimula umano ang insidente dahil sa hinalang ninakaw niya ang angpao ni Michelle na may laman umanong sensitibong larawan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng NBI habang hinihintay ang susunod na hakbang ng magkabilang panig sa kontrobersyal na usaping ito.

The post Samantha Panlilio humarap sa NBI dahil sa reklamong assault, illegal detention appeared first on Bandera.


Samantha Panlilio humarap sa NBI dahil sa reklamong assault, illegal detention Samantha Panlilio humarap sa NBI dahil sa reklamong assault, illegal detention Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close