BREAKING NEWS

Paulo Avelino, Jodi Sta. Maria naalarma sa giyera sa Middle East

Paulo Avelino, Jodi Sta. Maria naalarma sa giyera sa Middle East
Jodi Sta. Maria at Paulo Avelino

NAG-ALALA ang ilang celebrities sa pagsiklab ng kaguluhan sa Middle East, kabilang na ang mga Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Paulo Avelino.

Nagpalitan ng pag-atake ang US-Israel joint forces at Revolutionary Guards ng Iran na nagresulta sa pagkamatay ng Iran supreme leader na si Ayatollah Ali Khamenei dead.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang nagaganap na tensiyon sa pagitan ng dalawang panig na ikibabahala ng mga taga-Middle East at kalapit na bansa nito.

Nag-post ang aktres na si Jodi Sta. Maria took sa kanyang X account ngayong araw, March 1, kung saan ipinagdiinan niyang wala nananalo sa anumang uri ng giyera.

"In war, no one truly wins. It's always the people who are left living in fear, traumatized, and confused," ayon kay Jodi.

Aniya pa, "Thinking of everyone affected by the US–Israel–Iran conflict, especially our fellow Filipinos in the Middle East. Praying for safety, clarity, and peace for all."

Bukod kay Jodi, nagpahayag din ng kanyang saloobin sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

"To all my fellow Filipinos in the Middle East and nearby areas, I hope you and your families are safe. 

"Please stay alert, avoid risky areas, and follow local advisories. Keep in touch with the Philippine embassy if needed. Stay safe always," paalala pa ng aktor sa ating mga kababayan.

Samantala, bukod kay Iran supreme leader Ayatollah Ali Khamenei, kinumpirma rin ng Iranian state media ang pagkamatay ng anak nito sa naganap na pag-atake sa Iran pati na ang kanyang apo, son-in-law at daughter-in-law. 

The post Paulo Avelino, Jodi Sta. Maria naalarma sa giyera sa Middle East appeared first on Bandera.


Paulo Avelino, Jodi Sta. Maria naalarma sa giyera sa Middle East Paulo Avelino, Jodi Sta. Maria naalarma sa giyera sa Middle East Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close