Priscilla Meirelles nais kilalanin sa Pinas ang divorce kay John Estrada

NAGHAIN ng petisyon sa korte ng Pilipinas si Priscilla Meirelles para kilalanin ang kanyang divorce mula kay John Estrada.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng beauty queen ang opisyal na pahayag ng kanyang mga abogado kaugnay sa petisyong inihain niya sa Regional Trial Court of Quezon City para sa recognition of foreign divorce.
Ayon sa dokumento noong March 31 last year, naglabas ng desisyon ang First Family Court of the Judicial District of Boa Vista, State of Roraima, Brazil, na nagbibigay ng Sentença o pinal na hatol na aprubado ang divorce ni Priscilla at tuluyan nang dissolved ang kasal nila ni John alinsunod sa batas ng Brazil.
Pero dahil sa Pilipinas na raw niya minahal at tinawag na tahanan, nais ni Priscilla na kilalanin din dito ang naturang desisyon para maging pormal ang kanyang civil status sa bansa.
Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles looking for 'godly man', divorced na kay John Estrada
"After much contemplation, Priscilla decided to file this Petition in order to formalize her civil status and to ensure all her official documents reflect this change," sey sa opisyal na pahayag ng kanyang mga abogado.
Dagdag pa, hindi lang ito usaping legal kundi personal din.
"Priscilla considers this to be a significant step in her journey towards healing, closing a chapter of her life, and starting a new beginning as a single woman," saad pa sa statement.
Magugunita na nitong buwan lamang nang inamin ni Priscilla sa guest appearance niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" na opisyal na silang hiwalay ni John matapos niyang ihain ang divorce sa Brazil noong 2024.
Ayon sa dating Miss Earth 2004, nagdesisyon siyang tapusin ang kanilang pagsasama dahil sa umano'y pagkakasangkot ng aktor sa extramarital affairs.
Gayunman, nananatili umano silang magulang sa kanilang anak na si Anika at patuloy na nagco-co-parent para sa kapakanan nito.
Sa ngayon, inaabangan ng marami ang magiging desisyon ng korte sa Pilipinas.
The post Priscilla Meirelles nais kilalanin sa Pinas ang divorce kay John Estrada appeared first on Bandera.

No comments: