BREAKING NEWS

Kris Aquino nagkalaman na ang mukha, katawan; binisita nina Melai at Jason

Kris Aquino nagkalaman na ang mukha, katawan; binisita ni Melai
Melai Cantiveros, Jason Francisco, Kris Aquino, Bimby at Joshua

MARAMING nakapansin na nagkalaman na ang mukha at katawan ng original Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito'y base na rin sa latest photos na ibinahagi ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Melai, binisita nila recently si Kris sa mismong bahay nito kasama ang kanyang asawang si Jason Francisco. Naka-join din nila ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

"Babalik na sa TV ni Ms Kris…char char lang, binisita lang namin si Ms Kris kasi Ninang namin cya sa kasal kasi kung di namin cya ninang sa kasal, bibistahin padin namin cya, hehehe.

"Dba ang gulo ng caption ko kasi nakakapagod nmn kasi mag isip ng caption, pero hindi ako si Linda Walker ha, na kinakausap ang sarili ha.

"Hooaay sorry ang gulo na ng caption ko, pero thank u Ms Kris Ninang sa pa dinner mu sa amin with @jasminip@darla and Papang, and Thank you Lord bumabalik na ang gana mu sa kain ms Kris," bahagi ng caption ni Melai sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, "Nice seeing and bonding with Bimby and kuya Josh. full healing ms Kris amg prayer namin sayu, and sana makabalik kana sa Tv, salamat dn sa inyu Mam Jas and Mdam darla sa religious nyu na ambag sa pagbisita natin," pagtatapos ni Melai.

Narito naman ang mga comments ng netizens sa post ni Melai.

"Ayan ang Ms.Kris na kilala ko. So glad to see you happy and healthy."

"Kris looking great. Melai at Jason looking tiny between 2 sons of Kris. Bimby and Josh. Sana tuloy tuloy na pag galing mo at bumalik na sa tv."

"Ganda ganda parin ni ma'am Kris. sana Makita na ulit sia sa tv at nakakamis Ang kadaldalan Nia."

"@mrandmrsfrancisco as a KrisTV fan, this makes my heart happy. Kahit sa ganitong mga moments nagka-mini reunion kayo mga old co-hosts ni ms. Kris sa dating tv show nya. Wishing to see K Brosas, Carmina, Pokwang, Pooh, and Vice in one frame too."

"Mga tulay nung KrisTV days para magkabalikan kayo nung mag bfgf palang."

"Hello Ms. Kris, nice to see you gaining weight again. May the Lord continue to heal you. And please balik ka na sa Socials." 

"Yung mukha ngayon ni kris parang nung bata pa siya.. doon sa video dati na pinapakita na nagbibigay siya ng bible sa dad niya.. ganun ang mukha niya."

The post Kris Aquino nagkalaman na ang mukha, katawan; binisita nina Melai at Jason appeared first on Bandera.


Kris Aquino nagkalaman na ang mukha, katawan; binisita nina Melai at Jason Kris Aquino nagkalaman na ang mukha, katawan; binisita nina Melai at Jason Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close