BREAKING NEWS

Willie Revillame sa pagkatalo bilang senador: Para sa akin nanalo pa ‘ko! 

Willie Revillame sa pagkatalo bilang senador: Para sa akin nanalo pa 'ko! 
Willie Revillame

HINDI itinuturing ni Willie Revillame na pagkabigo at pagkadapa ang pagkatalo niya sa huling eleksyon sa bansa kung saan tumakbo siyang senador.

Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang maha-habang panahon muling humarap ang veteran TV host sa entertainment media para sa launching ng bago niyang game show, ang "Wilyonaryo."

Isa sa mga naitanong kay Willie ay ang pagkandidato niya noon sa May, 2025 elections bilang senador kung saan hindi nga siya pinalad na manalo.

"Siguro hindi talaga yun para sa akin. Actually yung pagkatalo ko, para sa akin nanalo pa ko, e. Isipin n'yo kung nandu'n ako ngayon paano, ano'ng gagawin ko?

"Kanino ako sasama, kanino ako kakampi? So, for me ang politika hindi dapat politika, e, public servant ka dapat. 

"Tumakbo ako para magserbisyo sa bayan, sa mga tao. Hindi ako tumakbo para kampihan ko sila," ang pahayag ni Kuya Wil na ang tinutukoy ay ang iba't ibang partido sa politika.

Pagpapatuloy niya, "Kung nasa Senado ako, tapos kakampihan ko ang partidong ito tapos galit sa akin yung kabila, napakahirap. Kung tatakbo ako, para sa mga mahihirap na Pilipino para makagawa ng batas.

"Alam n'yo nu'ng in-interview ako sinabi kong wala akong alam, totoo naman, e, bakit? Gusto kong malaman yung mga nagawang batas. 

"Kasi napakarami nang ginawang batas ng magagaling na senador, ano pa ba yung mga hindi nagagawa? Magdadagdag pa ba ako ng batas?

"Ano bang importanteng mga batas? Una, edukasyon, kalusugan, kahirapan, trabaho at magkaroon ng magandang pamumuhay ang mga Pilipino," pahayag pa ng TV host.

Aniya pa, "Tapos nakikita natin ang mga nangyayari ngayon, good thing naisiwalat ito."

Sunod na tanong sa kanya kung may regrets ba siya sa mga naging desisyon niya sa buhay at sa kanyang career.

"Wala. Kasi sobrang blessed 'ko. Ang mga regrets ko, siyempre yung mga pagkakamali pero hindi ka naman pwedeng maging perpekto sa buhay. So, it's a learning process.

"Siguro rin yung mga anak ko hindi ko kasama kaya nga sabi ko sa kanila kung mawawala ako sa mundo dapat alagaan n'yo yung mga pinaghirapan ko. 

"Kasi para sa akin, lahat ng materyal na bagay, yang pera wala yan, e. Ang importante sa akin yung kalusugan ko, pamilya ko, yun ang happiness, e.

"So, wala akong regrets talaga sa buhay, kung nasaan ako ngayon…kasi kung may regrets ako siguro kung hindi ako blessed, hindi tayo magkakasama ngayon. I'm so blessed, sobra!" pahayag ng "Wilyonaryo" host.

Dagdag pa ni Willie, "Wala akong pinagsisisihan. Yung mga pagkakamali ko lang yung mga nasaktan ko ng loob, yung dapat hindi ko nasabi yun, dapat hindi ko nagawa yun, siguro yung mga small things na yun, na nakakasakit ka ng damdamin ng kapwa mo."

The post Willie Revillame sa pagkatalo bilang senador: Para sa akin nanalo pa 'ko!  appeared first on Bandera.


Willie Revillame sa pagkatalo bilang senador: Para sa akin nanalo pa ‘ko!  Willie Revillame sa pagkatalo bilang senador: Para sa akin nanalo pa ‘ko!  Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close