Enchong Dee binansagang ‘Patron Saint of Relapse’, minumulto ni Erich?

NABANSAGAN ang Kapamilya actor na si Enchong Dee bilang "King of Relapse" matapos ang kanyang pagbabahagi ng throwback photos kasama ang kaibigan at dating ka-love team na si Erich Gonzales.
Nitong Linggo, January 18, ibinandera niya ang 2016 throwback niya ng slideshow ng pagtatbal nila ng dating aktres.
"[B]est memories with my 'day #2016," saad ni Enchong sa caption.
Agad ring pumukaw sa atensyon ng netizens ang ginamit na background music ng aktor na "Multo" ng Cup of Joe.
Baka Bet Mo: Enchong Dee ilang beses nang binalak magpahinga sa showbiz
Nag-iwan pa nga si Enchong ng comment sa sariling post at sinabing "Memories since 2016
Relapse Kit".
Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa post ng Kapamilya actor kaya naman agad itong umani ng sandamakmak na views, reactions, at comments na puro pang-aasar at pangangantiyaw mula sa madlang pipol.
"Enchong Dee maka move on."
"[F]orever yearner na ba? HAHAHAHA hindi maka usad ah, literal na multo."
"1M exes vs.Enchong Dee"
"Patron saint of relapse"
"2026 na chong tama kanaa HAHAHAH"
"Nag-relapse ka tapos kalaban mo si Enchong Dee."
Matatandaang noong 2009 nangagsulang pumatok ang tambalan nila sa 2009 TV series na "Katorse".
Bumida rin sina Enchong at Erich sa iba pang proyekto gaya ng "I Do" (2010) at "Once a Princess."
Sa ngayon ay kasal na si Erich kay Mateo Lorenzo noong March 2022.
The post Enchong Dee binansagang 'Patron Saint of Relapse', minumulto ni Erich? appeared first on Bandera.

No comments: