BREAKING NEWS

Murang kuryente inaasahan bunga ng bagong WPS oil supply – Cayetano

Murang kuryente inaasahan bunga ng bagong WPS oil supply
Pia Cayetano

NANINIWALA si Sen. Pia Cayetano na magiging abot-kaya ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.

Ito'y bunga ng pagkakadiskubre ng bagong suplay ng natural gas sa bahagi ng Palawan sa West Philippine Sea (WPS).

Bukod ito sa seguridad sa enerhiya dahil sa Malampaya East-1, sabi pa ng namumuno sa Senate Energy Committee.

"This is great news for our energy security, as this discovery will contribute to price stability," sabi pa ng nagsulong sa Philippine Natural Gas Industry Development Act.

Ayon pa kay Cayetano dapat tiyakin na lamang ng Department of Energy (DOE) na mararamdaman hanggang ng mga ordinaryong Pilipino ang epekto ng panibagong suplay ng natural gas.

"Iyan naman ang pinakaimportante sa mga kababayan natin, affordable and reliable energy supply!" aniya.

The post Murang kuryente inaasahan bunga ng bagong WPS oil supply – Cayetano appeared first on Bandera.


Murang kuryente inaasahan bunga ng bagong WPS oil supply – Cayetano Murang kuryente inaasahan bunga ng bagong WPS oil supply – Cayetano Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close