Sikat na aktor biglang pinatsugi ng TV exec sa bagong project, anyare?

MAY magandang offer sa sikat na aktor sa isang network at plantsado na ang lahat pati talent fee, hinihintay na lang kung kailan siya magre-report sa show.
Nang malaman daw ito ng pinaka-boss ng network ay hinarang si sikat na aktor at pinapapalitan na lang dahil ayaw niya itong makita sa network.
Nagulat ang ilang taong nakipagnegosasyon sa aktor dahil sa matigas na desisyon ng kanilang boss na hindi naman daw ganito ito.
At nalaman ng mga taong kumuha sa aktor na hindi pala maganda ang relasyon nito sa kanilang boss dahil minsan ay nagkabanggaan na sila.
"Hindi nagustuhan ni ____ (boss) ang huling engkuwentro nila ni ____ (aktor) sa isang event. Na-off daw kasi si ____ (boss).
"E, knowing our boss, nagtatanda 'yan. Ayaw niya ng may gumaganu'n sa kanya," say pa ng aming source.
Naalala rin namin ang gusot ng aktor at ng pinaka-boss ng network, parang nagmalaki kasi si aktor noon tapos ngayong inoperan siya at tinanggap niya. Marahil para sa aktor ay okay na 'yun at trabaho lang.
"Kaso ayaw na nga siyang makita ni Boss!" kaswal na sabi ng aming source.
The post Sikat na aktor biglang pinatsugi ng TV exec sa bagong project, anyare? appeared first on Bandera.

No comments: