BREAKING NEWS

Sofronio Vasquez balik sa ‘Tawag ng Tanghalan’, magiging hurado na

Sofronio Vasquez balik sa 'Tawag ng Tanghalan', magiging hurado na
PHOTO: Facebook/Sofronio Vasquez

PARANG full-circle moment ang pagbabalik ni Sofronio Vasquez sa "Tawag ng Tanghalan" (TNT)!

Pero this time, hindi na bilang contestant kundi bilang isa sa mga huhubog at huhusga sa susunod na henerasyon ng biritero at biritera. 

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, ang "The Voice" USA champion ay opisyal nang isa sa mga hurado ng nasabing singing competition ng noontime show na "It's Showtime."

Ipinakilala si Sofronio bilang isa sa mga "hurados" sa opening ng ika-10 season ng TNT kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Michael Bublé ayaw mag-guest sa concert ni Sofronio Vasquez sa Pinas!?

Agad namang nagbunyi ang madlang people sa pagbabalik ng singer na minsan ding nangarap at tumapak sa parehong entablado.

Kasama niyang humusga sa nasabing episode ang head judge na si Louie Ocampo at TNT Season 4 champion JM Yosures, kaya't talagang solid ang panel ng mga eksperto sa boses at performance.

Bago pa man ito, naging bahagi na rin si Sofronio ng special set of judges para sa finals ng "TNT Duets 2," kung saan nakasama niya sina Louie at ilan sa mga haligi ng OPM tulad nina Ogie Alcasid, Bituin Escalante, Erik Santos, Kyla at Darren Espanto, bukod pa sa iba.

Si Sofronio ay nag-uwi ng karangalan noong 2024 matapos niyang mapanalunan ang "The Voice" USA Season 26, at siya ang kauna-unahang Pinoy nagwagi sa prestihiyosong kompetisyon. 

Mula noon, sunod-sunod na ang kanyang mga appearances, mapa-"ASAP" man o sa iba't ibang government-organized events sa bansa.

At para sa mga fans na sabik siyang mapanood nang live, may good news! 

Nakatakda siyang mag-headline ng isang concert ngayong Pebrero sa Pasay kasama ang Concert King na si Martin Nievera, pati sina Klarisse de Guzman, Jed Madela at Jona.

The post Sofronio Vasquez balik sa 'Tawag ng Tanghalan', magiging hurado na appeared first on Bandera.


Sofronio Vasquez balik sa ‘Tawag ng Tanghalan’, magiging hurado na Sofronio Vasquez balik sa ‘Tawag ng Tanghalan’, magiging hurado na Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close