Premyadong aktres nagpapahanap ng dyowa sa friends, desperada na?!

INAKALA ng mga kaibigan ng premyadong aktres na okay siya kahit wala siyang lovelife dahil choice naman niya ito noong nakipaghiwalay sa karelasyon niya ilang taon na ang nakararaan.
Kaya laging gulat ng isa sa kaibigan ng premyadong aktres nang kausapin siya na baka may kakilala siya o ang asawa niya na single at same age niya or kahit mas bata ng konti pero stable na sa buhay.
Kuwento ng aming source na nakatsikahan ang isa sa kaibigan ng aktres, "Kasi kapag may mga gatherings kami, siya lagi 'yung walang kasama kasi wala siyang dyowa. 'Yung iba kahit dumarating na mag-isa alam mong taken na.
"Noong wala pa siyang 50 (years old), sabi namin na i-entertain na 'yung mga nagpaparamdam sa kanya, e, ayaw niya. Okay na raw siyang mag-isa lang sa life niya kesa ma-stress siya.
"Nakaka-stress naman talaga pero siyempre kasama naman 'yun sa relasyon, mapag-uusapan naman ninyo ng partner mo, wala namang perpektong relasyon.
"Alam ko 'yung huli niya okay naman sila, same age nga kaya sabi naming friends niya okay na 'yan, level-up na, e, biglang wala na pala sila," tsika ng aming source according sa kaibigan ng premyadong aktres.
Natawa pang tsika ng aming kausap na sinubukan daw ng premyadong aktres ang dating apps pero hindi raw niya ito nagustuhan kaya nagpapahanap na lang sa mga kaibigan niya na posibleng makarelasyon na walang sabit.
"Okay daw kung may anak na at legally separated dahil for sure sa edad nilang 'yun graduate na ang anak," sabi pa ng taong kausap namin.
Mukhang na-inspire raw ang premyadong aktres sa mga kasamahan nila sa industriya na late nang nakapag-asawa.
The post Premyadong aktres nagpapahanap ng dyowa sa friends, desperada na?! appeared first on Bandera.

No comments: