Claudine Co namataan sa isang pickleball club open game, netizens napataas ang kilay

HOW true kaya ang kumakalat na chikang nasa Pilipinas na ang kontrobersyal na content creator at pamangkin ni Zaldy Co na si Claudine Co?
Pinag-uusapan ngayon ang isang social media post ng Albay Pickleball Club kung saan nagbahagi ito ng larawan ng mga players.
Sa bandang gilid ng larawan ay mapapansin na tila kasama si Claudine sa mga manlalaro.
Caption sa naturang post, "Yesterday's Pickleball Open Play for a Cause was truly something special. With the heartfelt initiative of Mr. Bjorn Cheang, this event brought together an incredible community united by compassion and a shared purpose.
Baka Bet Mo: Camille Co damay sa isyu ni Claudine Co, pumalag: Not related to them
"Because of you, the court was more than just a place to play. It became a space of hope, generosity, and genuine connection. Your support made a meaningful difference, and we are incredibly grateful for each and every one of you. This is what community looks like."
At dahil nga marami sa netizens ang naghahanap kay Claudine at sa pamilya nito ay agad nag-trending ang naturang post.
Sa ngayon ay burado na ang naturang post ng Albay Pickleball Club ngunit isang netizen ang matinik na nakapag-screenshot nito at ibinahagi sa Reddit.
Umani agad ito ng samu't-saring komento mula sa netizens na karamihan ay gigil na gigil kay Claudine.
"Enabler friends. Kilala nyo ba kung sino yung ibang nasa pic?"
"Major sponsor siguro ateng Claudine."
"Nandiyan na kayo hindi niyo pa tinanong kung asan tito zaldy co niya."
"Taray ni Claudine. Pickleball gusto, magbalik ng mga hindi nila pagmamay-ari ayaw?"
Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag ang content creator at nanatiling naka-deactivate ang social media pages nito.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag at paglilinaw ni Claudine hinggil sa isyung kinasasangkutan.
The post Claudine Co namataan sa isang pickleball club open game, netizens napataas ang kilay appeared first on Bandera.

No comments: