P43.3-B budget ng QC aprubado na para sa 2026

MAY magandang balita para sa mga taga-Quezon City!
Aprubado na ng Quezon City Council ang P43.3 billion budget ng lungsod para sa taong 2026, na inaasahang magdudulot ng mas pinalawak na serbisyong panlipunan, mas maayos na pasilidad sa komunidad, at mas matibay na mga programa para sa edukasyon at kabuhayan ng mga QCitizen.
Sa ilalim ng Ordinance No. SP-3465, S-2025, tumaas ng 6.65% ang budget ngayong taon mula sa P40.6 billion noong nakaraang taon, dahilan para madagdagan ang pondo para sa serbisyo publiko, imprastraktura, edukasyon, at programang pang-ekonomiya.
Mahigit P24 billion ng kabuuang pondo ang inilaan para sa social services, kabilang ang social welfare, environmental services, serbisyong pangkalusugan, at edukasyon.
Baka Bet Mo: QC Tutoring Program nagpakita ng malaking resulta sa loob ng 25 days
Patuloy nitong susuportahan ang mga pangunahing programa ng lungsod gaya ng financial assistance, tulong medikal at healthcare services, QCity Bus, at burial assistance.
"The productivity and quality of life of our citizens depend on the quality of services we deliver. This budget underscores our commitment to putting people at the center of our governance," sey ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Para naman sa edukasyon, tinaasan ang budget sa P6.1 billion mula sa P6 billion noong nakaraang taon. Layunin nitong mas palawakin ang scholarship assistance, pag-aayos ng mga paaralan, teacher development, at mga programang magpapalakas sa academic performance ng mga estudyante.
Tumaas din ang pondo para sa imprastraktura sa P7.1 billion mula P6.9 billion noong 2025.
Bahagi nito ay ilalaan sa land acquisition para sa mga housing initiative, kabilang ang Socialized Housing Program ng lungsod.
Kasama rin sa 2026 budget ang rehabilitasyon ng mga barangay hall, pagtatayo ng open at green spaces, at iba't ibang pasilidad ng komunidad gaya ng multi-purpose buildings, covered courts, health centers, sports complexes, at auditoriums.
Upang isulong ang sustainability, popondohan din ang paglalagay ng solar panels sa piling gusali ng pamahalaang lungsod.
Para sa sektor ng ekonomiya, P2 billion ang inilaan upang suportahan ang maintenance ng imprastraktura sa mga pampublikong pamilihan, livelihood caravans, at mga pangunahing programa tulad ng Start-UP QC, Pangkabuhayan QC, at QC Entrepreneurship Program.
"By investing in all of these programs, we are ensuring that every QCitizen, across all sectors, has access to the support and opportunities they need to live with dignity and security," dagdag pa ni Mayor Belmonte.
Samantala, sa loob ng limang magkakasunod na taon, nakatanggap ang Quezon City ng "unqualified opinion," ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Belmonte, patunay ng maayos at responsableng paggamit ng pondo ng lungsod.
The post P43.3-B budget ng QC aprubado na para sa 2026 appeared first on Bandera.

No comments: