BREAKING NEWS

Kampo ni Atong Ang isinuko 5 baril sa PNP; 1 nawawala

Atong Ang pinayuhan ng abogadong huwag sumuko sa awtoridad

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na isinuko ng kampo ng gaming tycoon na si Atong Ang ng limang baril sa pulisya, habang isa naman ang iniulat na nawawala.

Sa panayam sa telepono ng INQUIRER kasama ang iba pang reporters, sinabi ni Firearms and Explosives Office (FEO) Chief Brig. Gen. Jose Manalad na isa sa mga legal counsel ni Ang na si Mikaelo Jaime Reyes ang personal na nagbigay ng mga baril sa Mandaluyong City Police Station kamakailan lang.

Ang FEO ay isang tanggapan sa ilalim ng PNP Civil Security Group (CSG) na nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas kaugnay ng baril at paputok.

"For now, the firearms are in the safekeeping of the Mandaluyong City police, unless the Mandaluyong City police forwards them to the SAO [supply account officer] of the FEO," sey ni Manalad.

Baka Bet Mo: Atong Ang posibleng umalis na ng bansa – Patindongan

Sa liham na ipinadala sa FEO chief ng isa pang abogado ni Ang na si Gabriel Villareal, nakasaad ang listahan ng mga baril na isinuko: isang Colt 5.56 rifle; isang Glock 9mm pistol; isang Sigsr 9mm pistol; isang Smith .38 revolver; at isang Battle Arms Development Inc. 9mm pistol.

Naka-detalye rin sa liham ang mga isinukong bala at magazine. 

Para sa Colt rifle, dalawang magazine at 59 na bala ang isinuko. 

Sa Glock pistol naman, dalawang long magazine, tatlong regular magazine, at 85 na bala. 

Para sa Sigsr pistol, dalawang magazine at 28 na bala. 

Samantala, para sa Smith .38 revolver, isinuko ang dalawang cylinder, dalawang kahon ng tig-50 bala, at karagdagang 15 na bala.

"With respect, however, to the firearm… caliber .260 [rifle]… we respectfully inform your office that the same was previously lost last October 2025," wika ni Villareal.

Kalakip nito ang affidavit of loss na nilagdaan ni Ang noong buwan ding iyon, pati ang police blotter report mula sa Mandaluyong police.

Ayon kay Manalad, bubuo ang FEO ng isang board na siyang titingin at magpapasya sa mga isyung kaugnay ng nawawalang baril.

"Based on the submitted documents, the board will finalize whether he will pay P5,000 for the first offense of losing the firearm, or whether there was negligence, late reporting, or other issues. That will depend on who imposes the fine," paliwanag ni Manalad.

Magugunitang kinansela ng PNP ang mga lisensya sa pagmamay-ari ng baril ni Ang bilang bahagi ng operasyon para sa kanyang pag-aresto.

Si Atong Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping sa mga korte sa Laguna at Batangas, kaugnay ng pagkawala ng hindi bababa sa 34 na sabungero mula taong 2021 hanggang 2022.

The post Kampo ni Atong Ang isinuko 5 baril sa PNP; 1 nawawala appeared first on Bandera.


Kampo ni Atong Ang isinuko 5 baril sa PNP; 1 nawawala Kampo ni Atong Ang isinuko 5 baril sa PNP; 1 nawawala Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close