Dingdong Dantes, Marian Rivera ‘di raw nagpansinan sa Sinulog, how true?

MUKHANG ayaw pa rin talagang tantanan ng mga intriga ang Kapuso celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil may mga kumakalat pang chika na diumano'y hindi nagpapansinan ang dalawa sa ginanap na Sinulog festival.
Simula nang mag-viral ang blind item tungkol sa isang power couple na may pinagdaraanan sa kanilang relasyon ay hindi na tinantanan ngvintriga ang dalawa.
Maging ang pagpunta nina Marian at Dingdong sa Sinulog Festival para makisaya sa mga residente ay nabahiran pa rin ng chika.
Pero taliwas naman ang naturang chika dahil maraming mga videos na ibinahagi sa social media nag nagpapakita na maayos ang relasyon ng dalawa.
Baka Bet Mo: Marian Rivera sa 'power couple' blind item: 'Jusme, parang every year na lang!'
Kaya naiintriga sina Marian at Dingdong na hindi nagpapansinan dahil sa isang video clip ay mapapanood na parehas na kumakaway sa mga tao ang dalawa ngunit hindi ito nagkikibuan.
Agad nga itong minalisya ng madlang pipol at may mga komento pa na hindi na raw suot ni Marian ang kanyang wedding ring.
Ngunit may mga video clips rin naman na super sweet nina Dingdong at Marian kung saan nagyayakapan pa ang dalawa.
Well, kung tutuusin ay nauna nang pinabulaanan ni Marian ang naturang isyu na hindi sila ang power couple na tinutukoy sa nakakalokang blind item.
The post Dingdong Dantes, Marian Rivera 'di raw nagpansinan sa Sinulog, how true? appeared first on Bandera.

No comments: