Sikreto ng 100-anyos Super Lola: cereal drink, oats, tamang alak sa gabi

PAK na pak sa mga netizen ang video ng isang 100-anyos na lola na game na game pa ring nag-e-exercise sa kabila ng kanyang edad.
In fairness, feeling strong pa rin ang tinawag na Super Lola na magse-celebrate na ng kanyang ika-101 kaarawan sa darating na February 28, 2026.
Mababasa sa caption ng viral post ng TikTok user na si "KnowNoy", "She will be turning 101 years old this coming Feb 28 and still pumping. What excuses could I have?"
Isang netizen ang nagtanong sa uploader ng video kung ano ang sikreto ng kanyang lola at kung may daily routine at maintenance rin ba siya.
"Galing naman po wala po bang mga maintenance or anu po ang tip para humaba at lumakas ng ganyan?" ang pag-uusisa ng TikTok user.
Sagot ng uploader, "Yung maintenance nya po is energen sa umaga quaker oats naman sa hapon tas tamang redhorse lng pag okasyon."
Narito pa ang ibang reaksyon ng netizens kay Super Lola.
"Kaya pala namn ganado pa, solid ng vitamins."
"Tama ganyan lola ko 98 na turning 99 this year ang sikreto wag daw masydong kumain."
"Hindi ba nagmamaoy si lola pag lasing?"
"101?! NO WAYYYYY? Nahiya ako, feeling ko kelangan ko na din gumalaw galaw gaya ni lola."
"Tama yan nay dapat may panipa din paminsan HAHHAHAHAHAAHAHA."
"Ang cute naman ni lola!"
"Panigurado nag eenglish yan sha pag lasing na."
The post Sikreto ng 100-anyos Super Lola: cereal drink, oats, tamang alak sa gabi appeared first on Bandera.

No comments: