Ogie Diaz binengga mga bidang artista na bobong umarte: Dapat may passion!

BINOLDYAK ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang mga artistang bumibida sa mga programa sa TV na bano o bobong umarte.
Mukhang may napanood si Mama Ogs na mga artistang hindi pumasa sa kanya ang aktingan kaya naman nag-share siya ng ilang tips para mag-level up naman ang kanilang performance.
Sa Facebook idinaan ng host ang kanyang observation hinggil sa mga artistang hanggang ngayon ay wala pa ring improvement sa kanilang akting.
Walang binanggit na mga pangalan si Mama Ogs kung sino o sinu-sino ang mga tinutukoy niyang showbiz celebrity pero parang may idea na kami sa kanyang blind item.
"Pasensya na. Wala naman ito kung wala ako sa isang lugar na hindi ako ang may-ari ng tv set at nakikinood lang ng anim na oras – walang alisan sa channel.
"Payo ko lang sa mga artista, lalo na sa mga nagbibida:
"Pag may bago naman kayong teleserye, pag-aralan nyong maigi ang character na ipo-portray nyo. Wag nyong iparamdam sa audience na you DO it for the money.
"Kasi kailangan nyo lang kumita o dahil tinutupad nyo lang yung pinirmahan nyong kontrata.
"Ibigay nyo naman yung puso't kaluluwa nyo sa trabahong niyakap at pinagkakakitaan nyo. Dapat, andun ang passion.
"Wag yung kung ano yung acting before, YUN pa din ang akting ngayon. Bago na yang teleserye nyo, LUMA pa rin ang akting nyo?" ang bahagi pa ng post ni Ogie.
Pagpapatuloy pa niya, "Apakahusay mo na talagang aktor o aktres kung hindi naramdaman ng audience yung ARtistang gumaganap kundi yung character na ginagampanan mo.
"Hindi naman ako magaling na artista, but I know one when I see one.
"Anubeh?! Tapos na ang Pasko, 'ham' pa rin ba ang 'handa' nyo sa amin?" sey pa ng content creator.
May pakiusap na hirit naman si Mama Ogs sa madlang pipol, "Kung manghuhula naman kayo, wag dito please. Igalang natin ang 'patay.' Umarte."
The post Ogie Diaz binengga mga bidang artista na bobong umarte: Dapat may passion! appeared first on Bandera.

No comments: