BREAKING NEWS

Bong Revilla sumuko na: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos!

Bong Revilla sumuko na: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos!
Bong Revilla habang nasa kustodiya ng PNP-CIDG

SUMUKO na si former Sen. Bong Revilla, Jr. matapos isyuhan ng warrant of arrest at hold departure order ng Sandiganbayan Third Division.

Ito'y may kaugnayan sa kasong non-bailable malversation sa isang maanomalyang flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook, nagbigay ng mensahe si Bong bago siya tuluyang sumuko sa mga otoridad.

"Nakatanggap po kami ng impormasyon na lumabas na ang aking warrant of arrest.

"Nakakalungkot po parang wala yatang due process. Pero gayunpaman, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito," ang bahagi ng pahayag ng mister ni Lani Mercado.

Humiling ng dasal si Bong sa gitna ng kinakaharap na kaso, "Humihingi ako ng panalangin. Patatagin Niya rin po ang aking pamilya. 

"Hindi ko po maipaliwanag ang nararamdaman ko sa totoo lang. Napakasakit po para sa akin at para sa aking pamilya," aniya pa kasunod ang pasasalamat sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Matatandaang isinangkot ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo si Bong Revilla sa flood control scandal.

"Ayon kay Bernardo ang GAA insertions noong 2024 na nagkakahalaga ng P300M ay para kay Senator Ramon Bong Revilla Jr. na noon ay kumakandidato bilang senador para sa 2025 senatorial elections," ang pahayag naman ni dating DPWH District Engineer  Henry Alcantara.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa custody na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ang aktor at dating senador.

The post Bong Revilla sumuko na: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos! appeared first on Bandera.


Bong Revilla sumuko na: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos! Bong Revilla sumuko na: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos! Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close