Bea Borres nabastusan sa transwoman na ‘nireregla’ raw at ‘nabuntis’

NILEKTYURAN ng social media personality na si Bea Borres ang isang transgender woman na nag-joke sa pagreregla at pagbubuntis.
Na-offend at na-bad trip ang aktres at vlogger sa isang viral post sa Facebook kung saan isang transwoman ang nagsabing nireregla siya at kasalukuyang nagdadalang-tao.
Mababasa sa naturang post, "Sa lahat po ng nagtatanong kung nag reregla ba ako as a transwoman living as a woman, yes po, ngayon buntis ako!
"Lahat kayo invited sa viewing pag panganak ko, next month na po! Dapat habang iniiri ko to, andun kayong lahat ha? Thank you sa support madi! #transwomen #transwomenarewomen #transwoman."
Hindi ito nagustuhan ni Bea na kasalukuyang ipinagbubuntis ang unang anak kaya naman binuweltahan niya ang post ng transwoman.
"As someone who experienced a difficult pregnancy, I find this very disrespectful.
"Biological women and trans women have fought for equality for many years. So let's not mock each other," ang sentimyento ni Bea.
Maraming netizens ang kumampi kay Bea lalo na ang mga kababaihan na relate much sa pinagdaraanang pregnancy journey ng social media personality.
"I agree with this. As a mother who experienced a life-threatening delivery, this topic can be triggering. Let's be kind to one another."
"pano rerespetohin ang kagaya namen, kung ang babae dapat ang ang una nirerespeto dahil sila yung madalas nahihirapan."
"True nakakadispoint sila tapos hihingi pa yan ng respeto pero tayong babae minamock nila."
"Exactly!!! Ako muntik na ma eclampsia nung nanganak ako dahil sa taas ng bp tas sinalinan pa ng dugo cguro pag nranasan nila yan sasabihin nla babalik cla sa pagiging lalaki ulit."
"Akala siguro nya ganun ganun lang ang nireregla at simple lang mag buntis…hindi nila alam ang hirap ng isang babae tapos ipipilit nilang ituring silang tunay na babae, tanggap na nga namin na babae kayo sa puso nyo pero huwag nyo naman sanang icompare ang hirap ng isang babae sa kalagayan nyo."
"Iniisip ko nga kung maranasan kaya nila hirap ng dysmenorrhea nahlos mahimatay ka sa sakit at sakit ng panganganak gugustuhin pa kaya nila maging babae?? Kung ako lang papapiliin mas gusto ko nalang maging lalaki."
Sa isang post ni Bea sa FB, inihayag niya ang hirap at sakripisyo ng isang babaeng buntis.
"I share my hardships not because I regret anything but because this is my reality. I want other girls, and one day my daughter, to understand how important it is to love yourself and choose better.
"So I have a high-risk pregnancy kasi. Lord, just make my baby healthy kasi hindi na ako magiging malandi, 'cause this is so hard!" saad ni Bea Borres.
The post Bea Borres nabastusan sa transwoman na 'nireregla' raw at 'nabuntis' appeared first on Bandera.

No comments: