BREAKING NEWS

Jeric Raval pantay-pantay ang turing sa 18 anak mula sa iba’t ibang babae

Jeric Raval pantay-pantay ang turing sa 18 anak mula sa iba't ibang babae
Sean Raval, Jeric Raval at AJ Raval

PANTAY-PANTAY ang turing at pagmamahal ng action star na si Jeric Raval sa kanyang 18 anak mula sa iba't ibang babae.

Magkakasundo at wala ring inggitang nangyayari sa lahat ng anak ng dating Action Prince kaya maayos at maganda ang relasyon ng magkakapatid.

Mismong ang anak ng beteranong aktor na si Sean Raval ang nagsabing mabuti at responsableng tatay ang kanilang ama kahit na nga napakarami nila. 

Pero aminado si Sean na never pa raw silang nakumpletong magkakapatid kapag nagkakaroon sila ng reunion at iba pang family gatherings.

"Hindi po nagkasama lahat. Nagpa-family reunion naman po kami pero by batch iyon. Kung sino lang po ang available," ang pahayag ni Sean nang makachikahan ng BANDERA kamakailan.

Ngunit siniguro naman ni Sean na nagbabalik-showbiz nga ngayong 2026, na maayos ang relasyon niya sa kanyang 17 pang kapatid, kabilang na si AJ Raval.

Sa tanong kung nagkakaroon ba siya ng daddy issues lalo't 18 silang magkakapatid sa iba-ibang ina? 

"Sa amin po, wala pong family issue. Kasi, like super ano po kami, equal po yung turing niya sa amin.

"Like, walang favorite-favorite. Hindi po siya ganu'ng klaseng tatay, you know.

"Siyempre sa TV, makikita siya, maangas, mayabang. Magaling siyang aktor. Pero sa bahay, isa siyang caring and loving father. Kahit busy siya, nangungumusta po siya sa amin," pagmamalaki ng young actor kay Jeric.

Contract artist ng BorrAT (Borracho Artists & Talents) si Sean na dating freelancer sa ABS-CBN at GMA 7 mula noong 2014. Nahinto ang career ng binata nang magkapandemya. 

"At the age of six or seven, mahilig na po ako sa pag-aartista. Sa ABS-CBN po, yung pinaka-last ko, yung Since I Found You (2018) by Piolo Pascual. Lead po sina Arci Muñoz, JC de Vera.

"So, ginanap ko po yung character ni JC de Vera and it was really challenging for me. Kasi kailangan ko pong isapuso yung role ni JC de Vera and I had to study po the story, du'n sa script.

"Sa GMA po, gumanap po ako bilang isang mulawin (Mulawin vs Ravena noong 2017). Then isa pong bully, iyon po ang pinaka-first taping namin, bully kay Derrick Monasterio," kuwento pa ni Sean.

Sabi pa niya sa pagbabalik-showbiz, "This is my passion and this is my goal. And this is something that I wanted simula noong isinilang ako sa mundo. It's in the blood, and it's in my heart."

Kumuha ng Multimedia Arts course sa STI si Sean pero huminto muna siya at knows naman daw ito ni Jeric.

"Yes, kasi alam niya naman po yung anak niya na disiplinado and kaya pong magbalanse ng time. And alam naman niya po na family-centered ako and focused ako sa career ko," pahayag pa ni Sean Raval.

The post Jeric Raval pantay-pantay ang turing sa 18 anak mula sa iba't ibang babae appeared first on Bandera.


Jeric Raval pantay-pantay ang turing sa 18 anak mula sa iba’t ibang babae Jeric Raval pantay-pantay ang turing sa 18 anak mula sa iba’t ibang babae Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close