BREAKING NEWS

Ironman peg ni Mike Tan sa ‘rich playboy’ character sa ‘House of Lies’

Ironman peg ni Mike Tan sa 'rich playboy' character sa 'House of Lies'
Robert Downey, Jr., Mike Tan at Beauty Gonzalez

PARA kay Mike Tan, ang role niya bilang si Paolo sa latest Kapuso series na "House of Lies" ang pinaka-mentally challenging na kanyang ginampanan.

Bida-kontrabida kasi ang karakter ni Mike sa naturang afternoon series ng GMA kung makakasama niya sina Beauty Gonzalez, Martin del Rosario at Kris Bernal, mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

"Sobrang daming layers nitong character na 'to, parang, may time na gusto kong mag-relax du'n sa pag-arte, pero bigla akong sasabihan ng acting coach namin o ni Direk na, 'O, siyempre kapag ginagawa mo ito dapat iisipin mo pa rin yung lie.'

"So nagugulo talaga yung utak ko everytime na umaarte ako kasi kailangan ko pa ring isipin yung kasalanan, yung kasinungalingan na nagawa mo kahit pa masaya ka dito," pahayag ni Mike sa naganap na grand mediacon ng "House of Lies" nitong nagdaang January 12.

Patuloy pa niya, "So iyon yung mentally exhausting kapag ginagawa mo siya. And of course emotionally kailangan mo ring timplahin.

"Ako bilang actor, very vulnerable ako, e. Pero du'n sa character ko, vulnerable ako pero bawal akong umiyak.

"So kailangan mo siyang kontrolin, na kapag paiyak ka na kailangan mong kontrolin. Iyon yung pinaka mahirap," lahad ng Kapuso actor.

Pinanood daw ni Mike para gawing peg ng character niya sa serye ang "Ironman" ni Robert Downey, Jr..

"Yung pagiging playboy, pagiging mayaman, yung pagiging relaxed du'n sa mga unang script namin, doon ko siya kinuha," aniya pa.

Anyway, nagsimula na kahapon, January 19, sa GMA Afternoon Prime ang "House of Lies" kung saan makakasama rin sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Snooky Serna, Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, Kokoy de Santos, Tanya Gomez, Patricia Tumulak at Gee Canlas.

The post Ironman peg ni Mike Tan sa 'rich playboy' character sa 'House of Lies' appeared first on Bandera.


Ironman peg ni Mike Tan sa ‘rich playboy’ character sa ‘House of Lies’ Ironman peg ni Mike Tan sa ‘rich playboy’ character sa ‘House of Lies’ Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close