BREAKING NEWS

P-pop group NOVA may laban sa showbiz; wish maka-collab SB19

P-pop group Nova may laban sa showbiz; wish maka-collab SB19
P-Pop group Nova

PROMISING ang bagong all-girl P-pop group na NOVA na binubuo ng anim na miyembro na palaban din sa hatawan at kantahan.

Personal naming napanood ang performance ng NOVA sa ginanap na media launch ng grupo sa Music Box Comedy Bar sa Quezon City kamakailan.

In fairness, bongga ang kanilang husay sa paghataw at impressive rin ang educational background ng mga miyembro, may graduate sa La Salle, at ang iba naman ay graduating na mula sa mga sikat na colleges and universities.

Ang bagong P-pop group ay mina-manage ng Vibrant Voice Production & Talent Management Inc..

Anim ang miyembro ng NOVA with a shared mission – to represent Filipino talent with honesty, heart, and world-class performance.

It is composed of Andrea "Dea" Alarcon, Wendy Figura, Vie Hernandez, Sheila Ella, Pamela "Red" Pangilinan, and Chloe "Karel" Sar na may kanya-kanyang exciting na kuwento sa buhay.

Ang NOVA ayon sa grupo ay sumisimbolo sa explosive birth: "a moment of brilliance na nabuo sa pamamagitan ng pressure, courage, and transformation."

Ito ang pinaghuhugutan ng bawat miyembro para mas mapagbuti nila ang kanilang mga performance – with passion, discipline, and authenticity.

Bago ang kanilang contract signing at media launch ng kanilang debut single, dumaan muna sila sa ilang buwang training.

Base sa kanilang profile, si NOVA Dea ang lead dancer na kilala sa kanyang expressive movement, ay nakahanap ng confidence sa pamamagitan ng pagtatanghal at naniniwala na kaya ng mga Pinoy na mas makilala pa sa international stage.

Si NOVA Wendy naman ay ang vocal powerhouse and seasoned performer ng grupo at memoryado na ang kailangang disiplina, dahil sa kanyang maagang exposure sa national stages.

Isa namang rapper at lead dancer si NOVA Vie na nagbabalanse ng tapang at artistry, at inspirasyon ang mga taon ng pagtatrabaho sa araw at pagsasayaw sa gabi upang habulin ang kanyang pangarap.

Si NOVA Sheila, na isang bokalista at emotional anchor of the group, ay nakikita ang grupo bilang isang boses para sa mga taong nakakaramdam na hindi sila naririnig, na nagpapaalala sa mga tagahanga na hindi sila nag-iisa.

Si NOVA Red, isang multi-instrumentalist at creative force, ay nakikita ang kanilang grupo bilang isang self-made movement—one that represents the Philippines beyond borders and expectations.

Isang performer na may ugat sa teatro si NOVA Karel na ipinakita ang vulnerability at and determination, at umaasa na ang Nova ay magiging isang pangalang maaalala sa iba't ibang henerasyon.

Ang bongga ng kanilang first original performance with their song "All In", which marked a defining moment for the group. Hindi lang daw 'yun basta kanta, kundi isa itong declaration.

Isa sa kanilang wish ay ang maka-collab ang super P-pop group na SB19.

The post P-pop group NOVA may laban sa showbiz; wish maka-collab SB19 appeared first on Bandera.


P-pop group NOVA may laban sa showbiz; wish maka-collab SB19 P-pop group NOVA may laban sa showbiz; wish maka-collab SB19 Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close