‘Breast Friends 4Ever’ ni Janno, ‘Bagong Tukso’ wild VMX pasabog sa 2026

SIGURADONG magiging wild at exciting ang 2026 sa mga bagong pasabog ng VMX, na sisimulan ng "Breast Friends 4Ever" at "Bagong Tukso."
Handog ng VMX ang pelikulang puno ng kagandahan at katatawanan ngayong unang buwan ng 2026, ang "Breast Friends 4Ever" na pinagbibidahan ng VMX stars na sina Astrid Lee at Audrey Avila, at ng comedy legend na si Janno Gibbs.
Mula sa direksyon ni Easy Ferrer, ito ay kwento nina Rubee at Xaxa (Lee at Avila), magkaibigang nangangarap na maging sikat, pero parehong walang pera, at kulang sa talino at talento.
Matapos nilang pasukin ang iba't ibang uri ng raket. Excited ngayon sina Rubee at Xaxa na pumasok sa ahensiya na tumatanggap ng magagandang babae para sa kanilang parties.
Sa hindi inaasahan, ito pala ay isang escorting service para sa mga mayayamang lalaki Malaki ang bayad dito kaya naman nagdesisyon ang dalawa na manatili sa trabahong ito.
Pero nang ma-coma ang isang kliyente dahil sa tindi nang kaligayahan, mangingialam na ang kapulisan.
Naniniwala si Lt. Detective Tony Gasan (Janno Gibbs) na walang kasalanan sina Rubee at Xaxa, pero may hinala siya kung ano ang dahilan kung bakit maraming kaso ng mga lalaki ang bigla na lang nako-coma.
Ngayon, magsasanib-pwersa sina Detective Gasan at Rubee at Xaxa para malutas ang kasong puno ng kababalaghan at katatawanan.
Panoorin ang "Breast Friends 4Ever" streaming na sa VMX.
Samantala, ang "Bagong Tukso" naman ay isang sexy at intimate special na pinangungunahan ng mga bagong mukha ng pantasya.
Mula sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr., abangan sina Margaret Diaz, Allison Ross, Apphle Celso, at Heart Fox sa "Bagong Tukso" para sa mga revealing na usapan, daring na laro, at mapang-akit na performances na maghahanda sa mga manonood sa isang mas mainit at exciting na taon.
Mas makikilala ng mga manonood ang mga VMX stars sa isang slambook-inspired segment, kung saan ang mga tanong ay unti-unting magiging mas mapangahas.
Kasabay nito ang isang showcase ng kanilang beauty shots na magpapakita ng kanilang sensual appeal. Lalong mag-iinit ang mga kaganapan sa isang VMX-style na Truth or Dare game na puno ng mapaglarong tanong at mapang-akit na challenges.
Ibabahagi rin ng sexy stars ang kanilang VMX journey—mula first impressions, inspirations, hanggang sa kanilang VMX idols at mga paboritong pelikula at eksena.
Magpapatuloy ang kanilang confession sa isang spicy round ng "Never Have I Ever," kung saan maraming pilyong sikreto ang lalabas.
Mula sa mga daring moments na ito, ibabahagi rin nila sa mga manonood ang mga aabangan sa kanila bilang next big temptations ng VMX.
Humanda na sa "Bagong Tukso," isang selebrasyon ng mga naggagandahang babae na handa nang mag-shine sa spotlight.
Ito ang ultimate temptation na hindi mo kayang labanan. Streaming na sa VMX simula January 27.
Para i-stream ang "Breast Friends 4Ever" at "Bagong Tukso," punta na sa web.vivamax.net.
The post 'Breast Friends 4Ever' ni Janno, 'Bagong Tukso' wild VMX pasabog sa 2026 appeared first on Bandera.

No comments: