BREAKING NEWS

Marian Rivera, Dingdong Dantes proud sa kanilang ‘ninong at ninang era’ 

Marian Rivera, Dingdong Dantes proud sa kanilang 'ninong at ninang era' 
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Paolo Benjamin Guico, Rachel Guico at Fr. Tito Caluag

IN-EMBRACE na ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang "ninong at ninang era."

Matapos ngang tumayong mga godparents sa kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia muling nag-ninang at ninong ang DongYan sa isa pang wedding.

Proud na ibinandera ni Dingdong sa madlang pipol ang kanilang "ninong and ninang" era sa kasal ng Ben&Ben member na si Paolo Benjamin Guico at Rachel Guico kamakailan lamang. 

Sey ni Dong sa kanyang Instagram post, "Hard launch: entering the ninong & ninang era. Paolo & Rachel—each other's gift. 

Each other's grace. Congratulations to our inaanaks," aniya pa sa caption ng kanyang IG post.

Makikita sa litratong ibinahagi ng Kapuso actor at TV host ang ilang kaganapan sa intimate wedding nina Paolo at Rachel kasama ang ilang bisita, kabilang ba si Fr. Tito Caluag. 

Sa comments section ng post ni Dingdong, nag-iwan ng mensahe si Paolo Benjamin, "LABYU NONG AND NINANG! From me and @mariaarachel." 

Sa post naman ng Ben&Ben sa kanilang official social media account, nag-congratulate sila sa bagong kasal.

"PINANINDIGAN NA.Congratulations to our newly weds!!!!!! Sobrang saya i-celebrate ng pagmamahal niyo. Mahal namin kayo #PaoChella2026," ang caption sa wedding photos nina Paolo at Rachel. 

The post Marian Rivera, Dingdong Dantes proud sa kanilang 'ninong at ninang era'  appeared first on Bandera.


Marian Rivera, Dingdong Dantes proud sa kanilang ‘ninong at ninang era’  Marian Rivera, Dingdong Dantes proud sa kanilang ‘ninong at ninang era’  Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close