BREAKING NEWS

Jodi Sta. Maria: Ako ‘yung naagrabyado pero bakit ako ang nahihirapan? 

Jodi Sta. Maria: Ako 'yung naagrabyado pero bakit ako ang nahihirapan? 
Jodi Sta. Maria at ang kanyang 'blended family'

HINDI naging madali para sa Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang pagkakaroon ng isang blended family.

Napakaganda ng relasyon ng award-winning actress sa bagong pamilya ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, kabilang na nga riyan ang partner nitong si Iwa Moto.

Ibinahagi ni Jodi sa latest episode ng "KC After Hours" nitong nagdaang Sabado, January 17,  kung paano naging maayos ang co-parenting relationship niya sa kanyang ex na para sa iba ay mahirap gawin.

"I'm speaking of my journey, our journey, as a blended family na nag-work for us. Pero it didn't happen overnight. It was hard," pahayag ni Jodi.

Pagpapatuloy niya, "Kasuhan left and right. I mean, we are just so hostile na hindi mo talaga kami mapagsasama sa isang room."

Tandang-tanda pa ng Kapamilya star ang naging realization niya 13 years ago, habang umiinom dakong alas-tres ng madaling-araw.

Tinawagan siya ng isang kaibigan at kinumusta, "Sabi ko, 'I'm fine. Tomorrow may ganito-ganyang-mangyayari.' 

"And then sabi ko, 'Ba't ganu'n?' Ang pakiramdam ko kasi, ako 'yong naagrabyado. Pero bakit parang ako 'yong nahihirapan? Di ba dapat sila 'yong mag-suffer," saad ni Jodi.

Dugtong niya, "Then I remember this friend told me. Sabi niya, 'Jodi, the Lord opposes the proud. But gives grace to the humble.' I'm like, 'What? You don't get it!' Sabi ko talaga, 'Hindi mo naiintindihan.'"

Hanggang sa dumating nga yung araw na nagdesisyun na siyang iurong ang pagsasampa ng kaso laban sa dating mister.

"Then I messaged him, I'm sure nagulat siya na, 'Ha? Bakit ako minessage nito?' Sabi ko, 'Can I meet you in this place, at this time? Let's talk.' So, du'n nag-start,'" pagbabahagi ng aktres.

Noong June, 2024 napawalang-bisa ang kasal nina Jodi at at Pampi. Ikinasal sila noong 2005 at nagkahiwalay taong 2011. Biniyayaan sila ng isang anak, si Thirdy na binatang-binata na ngayon.

The post Jodi Sta. Maria: Ako 'yung naagrabyado pero bakit ako ang nahihirapan?  appeared first on Bandera.


Jodi Sta. Maria: Ako ‘yung naagrabyado pero bakit ako ang nahihirapan?  Jodi Sta. Maria: Ako ‘yung naagrabyado pero bakit ako ang nahihirapan?  Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close