BREAKING NEWS

Kris Bernal: Hindi ako comfortable na may kahalikang hindi ko ka-close!

Kris Bernal: Hindi ako comfortable na may kahalikang hindi ko close!
Perry Choi, Kris Bernal, Hailee Lucca Choi at Martin del Rosario

NAGPAALAM muna ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang asawang si Perry Choi bago nakipag-love scene sa bago niyang teleserye na "House of Lies."

Aminado si Kris na hindi na siya komportable sa mga eksenang may halikan at intimate scenes ngayong may asawa't anak na siya.

Natanong ang aktres at celebrity mom sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" hinggil sa mga daring scenes niya sa "House of Lies" kasama sina Martin Del Rosario at Mike Tan.

"Hirap na hirap ako sa mga love scenes. Hindi kasi ako comfortable na may kahalikan ako na hindi ko close," chika ng aktres na nagbabalik-serye nga makalipas ang mahabang panahon.

"Siguro nu'ng single ako, okay lang. Pero ngayong kasal na ako, may anak na ako parang medyo nako-conscious na ako 'pag napanood niya ito," dugtong ng Kapuso star.

Siyempre, bago raw niya gawin ang maiinit na eksena niya sa kanyang comeback series sa Kapuso Network ay nagsabi muna siya kay Perry Choi, "Yes, nagpaalam po ako."

August, 2023 nang manganak si Kris sa panganay nila ni Perry at mula noon ay nag-focus muna ang aktres sa pagiging wifey at mommy. Bukod pa iyan sa pag-aasikaso sa kanilang mga negosyo.

Ang "House of Lies" ang magsisilbing comeback series ni Kris after mawala sa limelight ng halos tatlong taon.

The post Kris Bernal: Hindi ako comfortable na may kahalikang hindi ko ka-close! appeared first on Bandera.


Kris Bernal: Hindi ako comfortable na may kahalikang hindi ko ka-close! Kris Bernal: Hindi ako comfortable na may kahalikang hindi ko ka-close! Reviewed by pinoyako on January 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close