Royce Cabrera hataw na, muling bibida sa stage adaptation ng ‘ENDO’

BALIK-ENTABLADO na naman ang Kapuso hunk na si Royce Cabrera para ipakita ang kanyang husay, hindi lang sa harap ng camera kundi lalo na sa entablado ng PETA.
Sa kanyang ikalawang theater production, gaganap si Royce bilang si Leo, sa stage adaptation ng award-winning Cinemalaya hit na "ENDO."
Makakasama niya rito ang equally-talented na si Jasmine Curtis-Smith na siyang magbibigay-buhay sa karakter ni Tanya.
Kilala si Royce bilang isa sa mga rising stars ng GMA Sparkle matapos ang kanyang mahuhusay na pagganap sa mga teleseryeng "Start Up PH", "Makiling", "Slay", "Widows' War", at sa kanyang unang stage play na "The Foxtrot."
Bilang Leo sa "ENDO", maaasahan ang pagganap ni Royce Cabrera sa isang karakter na may komplikadong emosyon at relasyon sa pag-ibig at career.
Mula sa tensyon ng kontraktwal na trabaho hanggang sa ugnayan niya kay Tanya, handang ipakita ni Royce ang bagong dimensyon ng kanyang talento at karisma sa entablado.
Ngayong darating na summer, magbubukas ang stage adaptation ng "ENDO" sa PETA Theater mula Abril 10 hanggang Mayo 10, sa produksyon ng Ticket2Me at PETA Plus.
Asahan ang mainit na pagganap nina Royce at Jasmine sa isang kwento na puno ng hamon ng pag-ibig at pangarap na tiyak na tatatak sa puso ng bawat manonood.
The post Royce Cabrera hataw na, muling bibida sa stage adaptation ng 'ENDO' appeared first on Bandera.

No comments: