BREAKING NEWS

Carla Abellana walang inimbita sa side ng amang si PJ sa 2nd wedding 

Carla Abellana walang inimbita sa side ng amang si PJ sa 2nd wedding 
Rey 'PJ' Abellana, Carla Abellana at Jojo Abellana

KINUMPIRMA ng actor-singer na si Jojo Abellana na walang inimbita si Carla Abellana ni isa mula sa kanilang pamilya sa kasal nito kay Dr. Reginald Santos.

Kuwento ng kapatid ng tatay ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, nanghihinayang sila na hindi nasaksihan ang ikalawang pagpapakasal ng kanyang pamangkin last December, 2025.

Wala raw kasing in-invite sa wedding ng aktres ni isang miyembro ng pamilya ni PJ, ayon mismo kay Jojo Abellana sa panayam ni Gorgy Rula sa radio program niya sa DZRH.

Natanong si Jojo kung hindi rin ba siya imbitado sa kasal ng kanyang pamangkin kay Dr. Reginald, "Ang dami na po nagtanong. Hindi lang po sa media, kundi pati sa mga kaibigan namin.

"Kasi, wala nga pong nakitang ni isang Abellana family doon sa kasal ni Carla recently.

"Sa totoo lang po, honest to goodness, wala pong na-invite ni isa po sa amin. Especially yung papa po nila," sagot ni Jojo.

Ayon pa kay Jojo, malapit daw siya  sa kanyang mga pamangkin, lalo na kay Carla at sa ate nitong si Erica, ang dalawang anak ni PJ sa dati nitong asawang si Rea Reyes.

"Sa totoo lang, nalungkot din ako as an uncle kasi dahil yung mga pamangkin ko na yan, even the ate of Carla. Kasi nga, yun nga po ang unang family ni Kuya, no?

"Siguro everybody knows na nakatatlong pamilya ang aking kapatid. Sila po yung panganay sa aking mga pamangkin, si Erica and then si Carla. Sa totoo lang, super malapit po yan sa akin yung dalawang yan ever since.

"Kaya nakakalungkot din dahil yung mga pangyayari lately, which is hindi naman natin ini-expect na lalala nang ganun.

"Sa totoo lang, kasi parang sa interview lang naman nagsimula yun. Which is para sa akin, hindi para magalit o sumama ang loob sa kanilang ama, kung ano man yung nasabi ng ama nila.

"Pero siguro dahil sa experience naman ng tatay nila kaya nasabi yun," paliwanag ni Jojo.

Hindi man niya nabanggit pero ang tinutukoy siguo ni Jojo ay ang naging panayam noon kay PJ tungkol sa hiwalayan ni Carla at ng una nitong asawang si Tom Rodriguez na hindi alam ng aktres.

Pagpapatuloy ni Jojo, "Nakakapanghinayang lang siyempre, kasi sa totoo lang, kaming mga Abellana, nasa clan na namin na solid kaming magkakapatid, even the whole family.

"Ayaw naming may kaaway. Gusto namin, kasundo namin lahat. Gusto namin masaya ang aming buhay. Dahil simpleng buhay lang, basta masaya lang.

"Ang nakakalungkot kasi lumala nang lumala habang tumatagal, which is dapat ayusin na, di ba?

"We're looking forward na maayos sana ng papa ni Carla sa aming mga Abellana.

"Kung ano man yung nakaraan, let's forget about it kasi hindi naman tayo mga bata, even si Carla," ang pagbabahagi pa ng dating member ng "That's Entertainment."

Ito naman ang kanyang message kay Carla, "To my pamangkin, actually I used to call her Cara, hindi Carla. First of all, Cara, I would like to congratulate you sa inyong bagong asawa, of course.

"Para sa akin, masaya ako. Kasi kung saan ka masaya, masaya na yung uncle mo. Masaya na ako du'n, basta happy ka. Alam mo yan.

"Before nag-usap na tayo, ano ba ang sinabi ko sa iyo, puro ganyan. Basta kung saan ka masaya, nandiyan yung tito mo to support you all the way.

"So Cara, ang akin lang, hopefully sana magkaayus-ayos na tayong lahat. Alam ko naman, ramdam ko, Cara, of course na malaki yung puso mo. Alam ko.

"Napakabait mong bata, napakabait mong tao na alam ko na nandiyan pa rin sa puso ang nag-iisang ama mo, yung kapatid ko, si Papa mo.

"So, alam nandiyan pa rin sa iyo yan. So sana maayos na natin lahat. Maging okay tayong lahat," aniya pa.

The post Carla Abellana walang inimbita sa side ng amang si PJ sa 2nd wedding  appeared first on Bandera.


Carla Abellana walang inimbita sa side ng amang si PJ sa 2nd wedding  Carla Abellana walang inimbita sa side ng amang si PJ sa 2nd wedding  Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close