Bea Borres hindi ipinagamit sa anak apelyido ng lalaking nakabuntis sa kanya

PROUD na proud ang aktres at content creator na si Bea Borres kapag tinatawag siya ng kanyang mga tagasuporta na isang "single mother".
Para kay Bea, tanggap na tanggap na niya ang pagiging single parent matapos isilang last December ang first baby niyang si Victoria Hope Borres.
Yes! Proud moment daw ng vlogger at social media personality ang ibigay sa anak ang kanyang apelyidong Borres at hindi ang surname ng lalaking nakabuntis sa kanya.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Bea na okay na okay lang na tawagin siyang "single mother" dahil knows niya sa kanyang sarili na kering-keri niyang maging magulang kay Victoria Hope Borres.
"Being called a single mother never really bothered me because I'm confident and know what I'm capable of & one of the proudest moments of my life as a woman was choosing to give my daughter my last name," ang bahagi ng kanyang caption.
"I still don't get the shame and hatred towards single mothers, we never wanted to be one in the first place," dugtong ni Bea.
Hirit pa niya, huwag daw "mag-feeling ulirang ama" ang ilang lalaki kung puro stress at pahirap lang ang ambag nila sa kanilang mga partner.
"So wag kayong feeling ulirang ama kung stress lang naman inambag niyo hahaha," patutsada pa niya.
Base naman sa litrato ng birth certificate ng anak na ipinost ni Bea, hindi nakalagay dito ang pangalan ng tatay ng bata. Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen sa post ni Bea Borres.
"Same with my bunso, she's carrying my FATHERS surname na masasabi kong WORTH IT."
"I love you bei! I will never get tired of telling you how strong you are! I love you and i love hopie! You are loved!!!"
"Korek. same sa panganay ko,apilyido ko Dala nya..and it doesn't bother me..proud and loud..WALA RIN NAMAN KWENTA UNG AMA."
"Hello Ms Bea Borres, ka birthday nya anak ko.. matatalino ang mga devember babies. Batang ina din aq… pweo ngaun dalaga na anak ko.. malkas parin aq.. kyang kya mo din yan.. ignore mo lang mga bashers."
"Me na sinasabihan na para ko ng kapatid anak ko dahil i put my surname instead, ba't ko ilalagay apelyido ng sperm donor lang eh ako naman naghirap sa anak ko."
The post Bea Borres hindi ipinagamit sa anak apelyido ng lalaking nakabuntis sa kanya appeared first on Bandera.

No comments: