Lacson: Maling coordinates kaya nawawala ilang flood control projects

NILINAW ni Sen. Panfilo Lacson na ang pagkaka-tag sa daan-daang flood control projects bilang mga umano'y "ghost projects" ay nag-ugat sa maling grid coordinates na naisumite sa palasyo ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Muling tinalakay ang isyu sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan lumutang ang pangangailangan ng mas maayos na project mapping, tamang coordinates, at masusuing beripikasyon patungkol sa mga nasabing proyekto.
Dahil sa maling grid coordinates, nagmukhang nawawala ang ilang mga proyekto, kahit na aktwal na naipatupad ang mga ito sa field.
Baka Bet Mo: DPWH nanawagan sa mga kabataang labanan ang korapsyon: Tulungan n'yo kami
Ayon sa ilang joint inspection ng DPWH at contractors, kabilang ang mga visits sa Bulacan, na kumpirmadong nagawa ang ilang proyektong pinagdududahang wala, bagamat ang ilan ay nasa ibang lokasyon ng dahil sa nasabing maling coordinates.
Ang mga resulta ng mga joint inspections ay naitala sa mga opisyal na ulat ng DPWH.
Ang mga pribadong contractors ay sumunod lamang sa mga teknikal na plano, drawing, at instructions ng DPWH.
Wala silang kapangyarihang baguhin ang lokasyon ng proyekto o magtakda ng sarili nilang coordinates.
The post Lacson: Maling coordinates kaya nawawala ilang flood control projects appeared first on Bandera.

No comments: