Melanie Marquez duda sa reklamo ng driver ni Rhian Ramos, pera raw ang motibo

MATAPANG na nagsalita ang Miss International 1979 at celebrity mom na si Melanie Marquez kaugnay ng kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang anak na si Michelle Dee.
Ito ay matapos magsampa ng reklamo ng illegal detention at torture ang driver ni Rhian Ramos na kilala sa alyas na Totoy.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, January 31, tahasang sinabi ni Melanie na kasinungalingan umano ang mga alegasyon at naniniwala siyang pera ang tunay na pakay ng driver.
"The way I see it… Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! It's exactly the definition of Rhian's driver!" sey niya.
Baka Bet Mo: Michelle Dee nasa Iloilo nang maganap ang 'pag-torture' sa driver ni Rhian!?
Dagdag pa ng beteranang beauty queen, "His real intention is to blackmail for money with [the] conspiracy behind this liar!"
"With the number of days [passed], conspiracy can create a juicy story to create lies against our [celebrity achievers]. Their main purpose is their [greedy] mentality to blackmail our celebrities for money, which is so ridiculous!" caption pa niya.
Hindi rin napigilan ng celebrity mom na manawagan ng pananagutan laban sa mga aniya'y nagpapakalat ng mapanirang paratang.
"The person who started and [fed these] malicious evil acts of crime to scandalize the images of our accomplished artists [must be put] in jail," aniya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fmimilanie.laurel.marquezf%2Fposts%2Fpfbid0QRQjjZ9p4z26ScztXtCF9Coio2XJUNDT5K4KaRjoDwgRVrzcgVZgN2kGatfyyzLxl&show_text=true&width=500" width="500" height="589" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Kwento ng driver, nagsimula umano ang insidente matapos siyang mapagbintangang nagnakaw ng isang angpao na naglalaman ng "sensitive" na mga larawan.
Ikinuwento pa ni Totoy na siya raw ay binugbog at ikinulong mula January 17 hanggang 19 sa condominium unit sa Makati na tinitirhan nina Rhian at Michelle.
Agad namang itinanggi ng legal counsel ng dalawa ang mga alegasyon ng driver.
Si Samantha Panlilio na sangkot din umano sa bintang ng driver ay naglabas din ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, na tinawag ang mga paratang na "pure fabrication."
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng NBI ang umano'y kaso ng serious illegal detention at torture.
Wala pa ring pormal na reklamo na naisusumite sa tanggapan ng piskalya.
Samantala, naghain na si Michelle Dee ng hiwalay na reklamo ng qualified theft laban kay Totoy.
Nag-file rin siya ng police blotter matapos umano siyang saktan ng driver.
Ayon sa kanyang legal counsel, pinag-aaralan din ng aktres ang pagsasampa ng libel at perjury cases laban dito.
Si Melanie naman, na dati ring naging laman ng balita matapos ibunyag ang umano'y pang-aabuso ng kanyang estranged husband na si Randy Lawyer, ay kasalukuyang nasa Utah, Estados Unidos upang asikasuhin ang mga legal na usapin kaugnay ng naturang abuse complaint.
The post Melanie Marquez duda sa reklamo ng driver ni Rhian Ramos, pera raw ang motibo appeared first on Bandera.

No comments: