BREAKING NEWS

Onemig Bondoc maligaya sa piling ni Aiko Melendez: ‘You’re my life!’

Onemig Bondoc maligaya sa piling ni Aiko Melendez: 'You're my life!'
Onemig Bondoc at Aiko Melendez

ILANG beses naming tinanong si Konsehala Aiko Melendez kung sinagot na niya ang kanyang long-time friend at manliligaw na si Onemig Bondoc.

Pero ang lagi lang niyang isinasagot ay hindi pa dahil nagka-catch up pa lang sila sa 29 years na lumipas.

Sa YouTube channel ni Onemig na in-upload nitong Sabado ng gabi ay si Aiko ang guest niya (part 2) na sinabi ng una na no holds barred ang lahat ng pag-uusapan nila.

Matatandaang naunang nag-guest si Uno (palayaw ni Onemig) sa vlog ni Konsi Aiko kamakailan at doon nalaman ng publiko na may usapan ang dalawa na magkikita sa Subic 16 years ago pero hindi sumipot si Aiko.

"Nagdalawang-isip ako na siya ba talaga? Parang hindi naman seryoso kaya hindi ko siya sinipot sa Subic and I didn't realize na naghintay ka ng tatlong oras, bakit hindi mo ako tinawagan?" paliwanag-tanong ni Aiko.

Sagot ni Uno, "Hindi (tinawagan), kasi naniniwala ako sa faith at destiny."

Mukhang destiny na nga talagang magkita ang dalawa dahil pareho na silang single o loveless kaya ipinagdiinan nila na wala silang tinapakang tao o third party kaya sila nahiwalay sa kani-kanilang karelasyon.

Ang sagot ni Aiko sa tanong kung sila na ni Uno, "We can't give any label yet because we're enjoying the 29 years that was lost, so, that's why you see us around, going out of town, doing fun things together because we're catching up.  

"'Yun ang maganda sa amin kasi we started out as friends, so, parang walang hiya minsan uutot siya sa harapan ko, ako ba umutot na sa harapan mo?" baling ni Aiko kay Uno.

"Oo, nauna ka pa nga sa akin, hello," mabilis na sagot ng dating aktor na ikinatawa naman ni Aiko.

Naikuwento pa ni Onemig na kung sakaling sumipot si Aiko noon sa Subic ay pangako niya sa sarili na magbabago na siya, pero hindi nangyari.

"I guess gusto pa ni Lord na maging masaya ako at siya rin and that was another 15 years. So, I waited for another 15 years I don't know if she waited for me, but I did wait for her.

"Saka nililinaw ko lang guys na sinabi ko sa YouTube na nabasted ako, pero I don't think nabasted talaga kasi may pride kami, may takot sa isa't isa. Kung I pursued her puwedeng naging kami pero I didn't because takot akong masaktan," sabi ng aktor.

Nasambit din ni Onemig na pareho na silang matanda ni Aiko kaya ayaw na niyang maulit na hindi ulit sila magkita dahil baka ilang taon na naman ang abutin.

"E, wala nang ganu'n kaya ini-enjoy na lang namin ngayon kaya usapan nga namin na wala ng pride, wala ng away, wala ng mind games just be happy kasi hindi mo alam ang oras.

"Kasi puwede kang mawala bukas o mamaya, you'll never know kaya advice ko lang sa inyo guys, just be happy and enjoy the moment," seryosong esplika ng special friend ni Aiko.

"Do I make you happy?" tanong ni Aiko.

"Of course! You're my life!" mabilis na sagot ni Uno.

"Oh wow, talaga ha! You're in YouTube channel," tumawang sabi ni Aiko.

Sabay tingin ni Onemig sa camera, "Inaamin ko, she's my life. I don't feel complete without her. For the first time (sinabi), you're my safe place."

Sabi naman ni Aiko, "Kasi wala kaming toxicity, tanggap namin 'yung flaws ng isa't isa pero hindi pa kami, ha."

Sambit ni Uno, ito ang pinakamatagal na love story dahil umabot ng 29 years at abangan na lang kung saan papunta.

"Ito ang gusto ni God na after 29 years pa (nagkita ulit) kasi nagkaroon siya ng Andre and Marthena, ako nagkaroon ako ng Armelle, Anton and Andrea, so, 'yun ang masaya sa amin, no regrets," paliwanag ng dating aktor.

At ang goal daw nila ngayong 2026 ay suportahan ang isa't isa sa lahat ng bagay na ginagawa nila lalo na sa parte ni Aiko na nag-shout pa si Uno sa mga kadistrito ng konsehala na suportahan siya.

"Suportahan ninyo po itong konsehala n'yo dahil kilalang-kilala ko, sobra siyang honest, hindi nangungurap talagang hindi kayo nagkamali sa konsehala n'yo at kung may naninira man sa inyo sa kanya guys, ako na ang nagsasabi hindi ko ipu-pursue ang babaeng ito kung ganu'n siya sobra siyang honest.

"Although maldita siya paminsan-minsan (tumawa ng malakas si Aiko). Tawag ko sa kanya dragon!" say ni Uno.

Nagpasalamat naman si Aiko sa mga sinabi ni Onemig.

Anyway, base sa takbo ng usapan ng dalawa ay mukhang pareho na nilang end game ang isa't isa dahil pareho na silang may edad na, 50 na si Aiko at 49 naman si Uno ngayong 2026 kaya kailangan pa ba nilang magpa-cute sa isa't isa, e, 29 years na ang pinalipas nila.

Hindi kaya pag sinagot na ni Konsi Aiko si Onemig ay 'yun na rin ang hudyat ng pagpapakasal nila?

Well, abangan ang mga susunod na mangyayari.

The post Onemig Bondoc maligaya sa piling ni Aiko Melendez: 'You're my life!' appeared first on Bandera.


Onemig Bondoc maligaya sa piling ni Aiko Melendez: ‘You’re my life!’ Onemig Bondoc maligaya sa piling ni Aiko Melendez: ‘You’re my life!’ Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close