Robin Padilla binengga si Llamas: Parang pinatunayan n’yong pangit po kayo

RUMESBAK si Sen. Robin Padilla sa mga patutsada sa kanya ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas.
Pinatulan ng action star at public servang si Llamas matapos nitong sabihin na kailangan daw magpasalamat ng publiko kay Padilla dahil maraming tumakbong artista noong 2025 midterm elections ang natalo.
"Hindi na raw tatakbo because we don't deserve him. Alam mo, malaking tulong si Sen. Robin Hood Padilla.
"Dahil sa kaniya ay halos lahat ng artista na tumakbo last midterm election, natalo," ang pambebengga ni Llamas sa isang interview noong January 30.
Hindi naman ito pinalampas ng senador at sinagot si Llamas sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
"Mr. (Llamas), maraming salamat po. Tunay po na (adbokasiya) ko ang paghalal ng hindi sikat, hindi mayaman at hindi mula sa political na pamilya kundi maghalal ng mga bago na mga walang pangalan, walang kayamanan at hindi mula sa political na pamilya.
"Hindi po patungkol sa mga artista lamang kundi sa lahat ng mga bolero na sumabit na, nahuli na at higit sa lahat nakapuwesto na nang ilang taon pero wala pa rin naitulong sa pag unlad ng bayan kundi pangungutya," ang sabi ng senador sa kanyang post.
Patuloy pa niya, "Parang pinatutunayan niyo po ang sinasabi ng isang abogada na Pangit po kasi kayo kaya dyan nanggaling ang galit niyo sa artista."
Kasunod nito, ipinaalala ng aktor sa publiko ang kumalat na litrato noon ni Llamas habang bumibili ng pirated DVD sa isang mall sa Quezon City.
"Parang kaplastikan din po yun nahuli kayo na bumibili ng pirated DVD.
"Hindi Po kayo nakasuhan dito, Presidential adviser (nasaan) ang Delicadeza? Nong 2016, 2019 halos wala lumusot sa kandidato niyo hanggang 2022. Tsk (ipagdarasal) ko na magbago na po kayo para kahit paano ay gumandang lalaki naman po kayo," ang sey pa ni Sen. Robin.
Payo pa niya kay Llamas, "Bawas bawasan niyo po ang pangungutya. Mainam ay tumakbo po kayo para mapatunayan niyo din ang kakayahan niyo manalo.
"Hindi naman kailangan maging analyst para sabihin mahirap mag number one uli ang isang senador dahil sa kasaysayan ng senado walang senador ang nag number one ng magkasunod sa (re-election)," pahabol pa ng senador.
Bukas ang BANDERA sa magiging tugon ni Llamas sa mga naging patama ni Robin Padilla.
The post Robin Padilla binengga si Llamas: Parang pinatunayan n'yong pangit po kayo appeared first on Bandera.

No comments: